28/11/2025
𝗣𝗔𝗡𝗢𝗢𝗥𝗜𝗡 | Kasamang nakipagbayanihan sa repacking ng relief goods ang players ng Ilagan Cowboys maging ang Head Coach nito na si Ginoong Louie Gonzalez para sa mga residente ng City of Ilagan, Isabela na naapektuhan ng pag-baha.
Una rito ay nagsagawa ng preemptive evacuation sa lungsod umaga ng Miyerkules, Nobyembre 26 ngunit sa patuloy na pagtaas ng tubig-baha ay agarang iniatas ni Mayor Jay Diaz ang force evacuation sa low-lying areas upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.
Batay sa ulat, 603 families na binubuo ng 1,977 individuals ang lumikas na unti-until na ring nakabalik sa kani-kanilang tahanan at kahapon ay nasa 300 na lamang ang naiwan sa evacuation centers na inaaasahang makauuwi na rin ngayong araw sa paghupa ng baha.