05/01/2025
Nakailang tingin na ako sa aking phone pero wala pa ding reply ang boyfriend ko sa akin. Kagabi pa ang text ko sa kaniya. Tinatanong ko kung ano ang plano niya para sa aming anniversary ngayon.
Nag-overtime na naman siguro siya. Madalas siyang mag-overtime. Madalas din siyang sinasama ng kaniyang boss sa mga out of town meeting nito, kaya sobrang dalang na naming makapag-usap ng aking nobyo.
We've been together for three years. Ngayon ang ika-tatlong taon naming nagmamahalan.
Nagkakilala kami ni Roger nang third year college kami. Basketball player siya sa aming university. Achiever, athlete at higit sa lahat matalino.
That time wala sa isip ko ang pakikipag-nobyo, dahil ang focus ko lang ay ang trabaho ko. Gusto kong maging proud sa akin ang aking tiyahin na kumupkop sa akin mula nang mamatay ang aking mga magulang.
Anyway... Pupuntahan ko na lang si Roger sa kaniyang condo. Doon na lang ako maghihintay sa kaniya.
Nag-grocery ako dahil plano ko siyang ipagluto. Bumili na din ako ng balloons at cake dahil gusto ko siyang surpresahin.
Mabuti na lang at may spare key ako ng kaniyang unit. Hindi ko na ito nasauli sa kaniya nang paglinisin niya ako ng kaniyang condo three months ago.
"Ang kalat!" reklamo ko nang makapasok ako sa kaniyang unit. Maaga pa naman kaya pinili ko na munang maglinis. Nilinis ko ang kaniyang room. Nagpalit ng mga punds. At lahat ng labahin niya ay inayos ko sa laundry bag bago ko ito dinala sa laundry shop na nasa tapat.
Pinagpatuloy ko ang paglilinis at saktong natapos ako bandang alas-singko ng hapon. Sinimulan ko ng magluto. At sinabay ko na din ang pagpapalobo ng mga baloons.
Napasinghap ako nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan.Dumating na siya! Ang aga naman?
Tumayo ako at hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin dahil sa pagkataranta. Gusto ko pa man din sana siyang surpresahin. Paano na?
But then his phone rang.
"Hello, babe... Yeah, nandito na ako sa condo. Akyat ka na lang."
What? B-Babe? Sino ang kausap niya?
I can't believe my ears. Bigla na lang nanginig ang katawan ko. Nanghihina ako ngunit hindi ko magawang umupo.
I wanted to confront him now but then mas lamang ang kagustuhan kong makita at mahuli sila ng kung sino man ang kausap niya sa kaniyang celphone.
Sigurado akong babae ang kausap niya. Pero umaasa pa din ang puso ko na sana ay hindi babae. Sana lalake. Kaso may babe ba na pangalan ang lalake?
Napatingin ako sa phone ko. Hanggang ngayon ay wala pa din siyang reply sa akin.
Naninikip ang dibdib ko at namamasa na din ang aking mga mata. Hanggang sa magbukas ang pintuan.
Narinig ko ang boses ng isang babae.
"Babe, I miss you!" malambing at masaya nitong sabi sa aking nobyo. Roger chuckled. Excited at masaya na makita din ang babae.
Ilang minuto akong nakatulala habang naghahanap ng lakas ng loob na lumabas mula dito sa pinagtataguan ko.
Lumabas ako ng kusina at natagpuan ko sila sa sofa.
"Ang bababoy niyo!" sigaw ko sa kanila.
Nagmamadali namang tumayo si Roger, ngunit hindi bumitaw ang babae sa kaniya. Nakasaklang ito sa kaniyang bewang.
"Ang baboy niyo!"
Kinuha ko iyong cake at binato ko sa kanilang dalawa. Sapul sa kanilang mga mukha.
Tinapon ko iyong mga niluto ko. Lahat ng binili ko tinapon ko para wala na silang mapakinabangan.
"Baby, magpapaliwanag ako!"
"Huwag mo akong hawakan!" sigaw ko sa pagmumukha niya. Nang magulo ko ang kusina niya lumabas na ako.
Hinawakan niya ang kamay ko. "Hindi ko iyonβ"
"Hindi mo sinasadya? Really? Puwes, ito sinasadya ko," sabi ko sabay sampal sa kaniyang pisngi.
"Bakit, Roger? Bakit?"
"Lalake akoβ"
Pagak akong tumawa. Lalake at may pangangailangan? Wow!
"Today is our third anniversary at plano ko sanang surpresahin ka. At plano ko ding ibigay sa'yo ang matagal mo ng hinihiling pero mabuti na lang at hindi ko iyon ginawa.
"Salamat na lang sa lahat, Roger. Sana huwag ng mag-krus pa ulit ang landas natin."
Nagtangka siyang humabol hanggang elevator sa akin pero nagsara na ang elevator.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong umiyak pero kada floor na lang ay may sumasabay. Nang makababa ako at makalabas ng building pumara ako ng taxi.
Doon ako nag-iiyak. Ayaw ko munang umuwi dahil ayaw kong makita ang babaeng iyon. Sa dinami-dami ng babae ang pinsan ko pa talaga na kaka-eighteen lang ang pinalit niya sa akin.
Dumiretso ako sa bar, kahit na alam kong hindi bagay ang suot kong damit ngayon. Nakasuot ako ng long sleeve polo at palda na lagpas tuhod. Nakasuot din ako ng salamin, pero wala akong pakialam. Gusto ko lang mag-inom para makalimot. Sabi nila kapag may problema ka daw pansamantala mo daw makakalimutan kapag nag-inom ka.
Naupo ako sa tapat ng bar counter. Um-order ako ng ladies drink. May pera pa naman ako mula sa back pat ko sa dati kong trabaho kaya malakas ang loob ko na gumastos sa alak. Ngayon lang naman 'to.
Umiiyak ako habang umiinom. Hindi ko na mabilang ang nainom ko. Basta ang alam ko lang nahihilo na ako.
Hanggang sa may umupong lalake sa katabi kong chair. Napatingin ako sa kaniya. Matangkad... Hindi ko makita ng malinaw ang mukha pero ang alam ko ay sobrang guwapo niya.
Napatingin din ito sa akin nang mapansin na tinitingnan ko siya.
Nag-iwas ako ng tingin bago nilagok ang binaba ng waiter na alak.
Napangiwi ako. "Bakit ang pait?" Reklamo ko habang kandaubo na dahil bukod sa mapait, sobrang init din ng hagod sa lalamunan. Nasunog ata ang tonsils ko.
"That's mine," sabi ng lalake sa aking tabi.
"Sa'yo?" baluktot ang dila na tanong ko.
"Yeah."
"Oops, sorry. Palitan ko na lang."
Sinenyasan ko ang bartender sa harapan ko upang bigyan ng inumin ang lalake.
"Ako na ang magbabayad," sabi ko habang kinukuskos ko ang aking mga mata. Inaantok na ako. Uuwi na ba ako? Kaso ayaw kong umuwi.
Napatingin ako sa dancefloor. Nakakahilo ang ilaw at parang nakakasakal din ang dami ng tao na nagsasayaw ngayon.
"Penge tubig," sabi ko sa bartender. Bigla na lang bumilis ang tibok ng aking puso. Kinalas ko ang dalawang butones ng suot kong polo. Kaso naiinitan na din ako kaya kinalas ko din ang dalawa pa.
"What are you doing?" tanong ng lalake sa tabi ko.
"Hindi ako makahinga. Saka mainit," sabi ko.
"Bakit?" Nakatingin na pala siya.
Tumawa ako. Halos hindi ko na makilala ang sarili ko dahil sa malanding pagtawa na iyon.
"Sorry, hindi puwede. Para 'to dapat sa boyfriend ko, e. Kaso ex ko na ngayon. Niloko niya ako. Pinagpalit niya ako sa pinsan ko."
"Kapalit-palit ba talaga ako? Huwag mo na pala akong sagutin. Well, mukha akong manang manamit."
"Hindi ka naman mukhang manang manamit."
Tumawa ako. "Okay lang iyan."
Napasinghap ako at napatitig sa mukha ng lalake. Ang guwapo niya talaga.
Ngumisi ako. "Bawal din." Humagikgik ako.
He chuckled. Sobrang sexy ng tawa niya. Napanguso tuloy ako.
"Ang guwapo mo." Kumindat ako.
Tumawa siya.
"Lasing ka na. Wala ka bang kasama?"
Tumingin ako sa baba at sa kabilang gilif ko.
"Wala yata," nakangising sagot ko.
"Broken hearted ako kaya nagpunta ako dito para mag-inom. Bakit ka pala nandito?"
"I just want to relax," sabi naman niya.
"Ah... Sige, maiwan na muna kita, huh. Sasayaw lang ako."
Nagpunta ako sa dancefloor para sumayaw. May mga lumalapit na mga lalake sa akin pero iniiwasan ko sila. Hanggang sa may yumakap sa akin mula sa likuran.
"Saan ka uuwi?" Nakilala ko ang kaniyang boses. Siya iyong katabi ko sa bar counter.
"Sa bahay ng tiyahin ko. Pero ayaw kong umuwi ngayon. Baka mapatay ko ang pinsan ko kapag nakita ko doon."
"Well, saan ka uuwi kung ganoon?"
Hindi ako agad nakasagot. Nag-isip pa ako.
"Baka mag-hotel na lang ako," sagot ko.
"Gusto mo ng kasama sa hotel?"
Humagikgik ako. "Kasama? Bakit wala ka bang bahay?"
"Hindi ko din gustong umuwi ngayon," sagot niya. Napasinghap ako. Wala pang gumagawa nito sa akin. Kahit si Roger ay hanggang smack lang noon ang nagagawa niya sa aking labi. Bukod doon ay wala na. Walang hiya talaga siya! Naiinis na naman ako.
"What do you think?" tanong ng lalake. Nahawak na sa bewang ko ang dalawang kamay niya.
"Sige, kung iyan ang gusto mo." Hindi ko din alam kung bakit iyon ang sinabi ko. Basta ang alam ko lang ay sobrang guwapo ng lalake at magaan ang pakiramdaman ko sa kaniya.
"Let's get out of here," bulong niya sa aking tenga.
"Hmmm, sige..."
Pinaharap niya ako sa kaniya. Inayos niya ang suot kong polo bago ako hinila palabas ng bar.
Sumakay kami dahil may naghihintay na driver sa loob ng sasakyan.
Nakarating kami sa isang hotel.
"Mahal dito," sabi ko pagkababa namin.
"1500 lang ang badget ko ngayon, e..."
"May discount card ako," sagot naman niya.
Diretso na kaming naglakad papuntang elevator. Hindi ko na din matandaan kung saang floor kami umakyat dahil medyo nahihilo na ako.
Kahit nahihilo dahil sa kalasingan, bumangon pa din ako upang maglinis ng katawan. Gusto kong mapreskuhan ang aking katawan bago ako matulog at makapagpahinga.
Pero imbes na hugas lang, naligo na ako dahil biglang nagbukas ang shower. Nakaharap ako sa tiles habang hinahayaan ko ang pag-agos ng maligamgam na tubig sa aking katawan. Kahit paano ay naibsan ang sakit ng aking katawan.
Nakapikit ako, dahil nahihilo pa din ako. Ang aking noo ay nakasandal sa tiles sa aking harapan.
Nanghihina na din ang katawan ko kaya matutulog na ako. Bukas maghaharap kami ng pinsan kong malandi.
Napamura na lang ako nang magising ako kinaumagahan at bumalik sa alaala ko ang mga pinaggagawa ko. I was drunk, yes. Pero wala akong amnesia. Aware ako sa mga nangyari at pinaggagawa ko. Dala ng alak na nainom ko, naging malakas ang loob ko. Naging mapusok.
Ang iningatan mong bataan ng ilang taon, sinuko mo lang sa isang estranghero.
Speaking of estranghero, mahimbing siyang natutulog dito sa tabi ko. Nakayakap sa akin ang kaniyang matigas na braso. Sobrang guwapo niya talaga. Mas guwapo pa kaysa kay Roger.
Maingat akong bumuntong hininga upang hindi magising ang lalake. Ngayon na wala na ang espiritu ng alak, bumalik na ang hiya ko sa katawan.
Kailangan ko ng umalis bago pa siya magising. Kandangiwi ako nang makababa ako. Ang sakit ng katawan ko. Para akong binugbog.
Ginusto mo iyan, di ba? Huwag kang magreklamo.
Sinuot ko ang mga damit ko at ang sapatos ko ay binitbit ko na lamang.
Paalis na sana ako nang maalala ko na hindi pa pala bayad itong hotel. Hindi ko alam kung magkano ang rate, pero sabi naman niya may discount card siya.
Sinilip ko ang laman ng pitaka ko. Five thousand five hundred na lang pala.
Kinuha ko ang five thousand at nilapag sa gilid ng mga damit niya na nakapatong sa mesa.
Nakaisip pa ako ng kalokohan kaya naupo na muna ako. Nagsulat ako sa tissue paper.
"Thank you for the night. I enjoyed it. I hope that we will not cross path again."
Nagpahid ako ng lipstick saka ko hinalikan ang tissue. Landi-landi talaga!
Gumalaw siya kaya nagmamadali na akong lumabas ng kuwarto.
Walang tao at sobrang kalat din ng bahay, kaya imbes na magpapahinga sana ako ngayon, naglinis na muna ako.
Binuksan ko ang kuwarto ng malandi kong pinsan ngunit mukhang hindi pa umuwi ang babae.
Naalala ko na naman ang nangyari. Napakalandi talaga. Kaka-eighteen lang niya. Hindi ko sure kung si Roger ba ang nakauna sa kaniya, dahil kahit ng high school siya, kung sino-sino na din ang kasa-kasama niyang lalake.
Pagkatapos kong maglinis, sinalang ko na ang mga labahin sa washing machine. Nagpakulo ako ng tubig upang makapagkape. Walang laman ang fridge, kaya wala akong mailuluto. Iisang noodles na lang din ang laman ng cabinet. May kanin pa naman kaya nakapagsaing pa ako.
Kailangang magkalaman ang aking tiyan. Wala pa akong kain simula kahapon. Mahapdi na nga, e, dahil inuna ko pa talagang magpakalunod sa alak kaysa kumain.
Malandi ka Beryl. Malandi ka!
Para hindi ko na maisip pa ang katangahang ginawa ko, nagpaka-busy na lang ako sa paglilinis sa buong bahay.
Nakatulog ako pagkatapos.
Nang magising ako, gabi na. Nagugutom na ako. Siguro naman may pagkain na. Paglabas ko ng silid ko, hindi pa nabubuksan ang ilaw sa buong bahay. Ibig sabihin hindi pa umuuwi si Auntie at ganoon din ang pinsan kong si Therese. Mukhang wala ng planong umuwi ang babaeng iyon. Baka makikipagsama na siya kay Roger. Tsk! Bahala na silang dalawa sa buhay nila. Kakarmahin din sila. At papalakpak ako kapag nangyari iyon.
Palapit na ako sa switch ng ilaw sa sala nang magbukas iyon.
Nagkagulatan kami ni Therese.
Nagkatitigan kami hanggang sa muli kong naramdaman ang galit ko para sa kaniya.
"Ikaw!" Bago pa ako makalapit sa kaniya, nauna na niya akong sapakin. Nagsabunutan kami hanggang sa matumba kami sa sahig. Nagpagulong-gulong
"Napakalandi mong babae ka! At boyfriend ko pa talaga ang nilandi mo!"
"Kasalanan ko ba kung mas maganda ako sa'yo!" sagot naman niya.
"Aray!"
"Ipahinga mo muna!" gigil na sabi ko. Ang pangit ng mga lumalabas sa bibig ko pero hindi ko na mapigilan ang galit ko. Siya na nga ang may kasalanan sa akin siya pa itong malakas ang loob.
Napangiwi ako nang makalmot niya ako sa leeg.
"Aray! Tanggapin mo na lang kasi na hindi ka mahal ni Roger. Ako ang mahal niya. Mas humaling siya sa akin dahil mas bata ako sa'yo. Mas sariwa at sexy!"
"Mas bata, oo! Mas sariwa at sexy? Girl, hindi ka pa halos nagdadalaga pero hindi na pangdalaga ang katawan mo."
"Kaysa naman sa'yo, Manang!"
"Ah, manang pala ha!" Sinampal ko siya saka inumpog.
"Aray! Bitawan mo ako!" sigaw niya pero muli ko siyang inumpog, kaso nanlalaban siya.
"Ano'ng nangyayari dito?!" Natigilan kami nang marinig namin ang sigaw ng aking tiyahin.
"Jusko po! Ano'ng ginagawa niyo?! Tumigil kayo!"
"Bitawan mo ako," sabi ni Therese pero hindi pa din naman niya binibitawan ang buhok ko kaya hindi ko din pinapakawalan ang kamay ko na nakahawak sa kaniyang buhok na mahigpit kong hawak. Naniningkit na ang kaniyang mga mata dahil sa pagkahila ng buhok mula sa kaniyang anit.
"Bitawan mo muna ako," banta ko din.
Nilagpasan kami ni Tita. Pumasok siya sa kusina kaya muli kaming nagsabunutan ni Therese. Hanggang sa sabuyan kami ni Tita kaya mabilis kaming bumitaw sa isa't isa.
"Ano ba'ng pinag-aawayan niyo, huh?! Ikaw Beryl! Bakit ka pumapatol sa bata?!"
"Bata pa ba iyan?!"
"Ano'ng sabi mo?! Beryl, hindi ko gusto iyang tabas ng dila mo." Galit na tumingin si Tita sa akin. Namumula na ang kaniyang mukha sa galit.
"Totoo naman, Tita. Kahapon, nahuli ko sila sa condo mismo ni Roger!"
Tinikom ni Therese ang kaniyang bibig.
"Totoo ba iyon?!" sigaw ni Tita. Pero hindi ako natutuwa sa nababasa ko na reaksyon ni Tita.
"Opo, Mommy. Hindi ko kasalanan na nagustuhan ako ni Roger, Mommy!"
Suminghap si Tita. As I expected hindi siya magagalit, dahil anak nga naman niya ang malanding hudas na 'to. This is unfair!
"Papuntahin mo si Roger dito," sabi ni Tita kay Therese.
"Why, Mommy?"
"Basta, papuntahin mo siya!"
"At ikaw naman, Beryl! Ipaubaya mo na lang ang nobyo mo sa pinsan mo. Hindi naman papatol iyon sa pinsan mo kung mahal ka talaga."
"Ano'ng ibig mong sabihin, Tita?"
"Kailangang pakasalan ni Roger si Therese." Ano?!
Kumuyom ang aking kamao. Mayaman nga naman si Roger kaya ito agad ang naisip ni Tita. Sa dating mga nobyo ng anak niya, hindi naman siya ganito dahil mga teenagers lang din ang mga iyon. Ano nga ba naman ang mapapala nilang mag-ina doon.
Galit ako. Galit na galit pero pinili kong manahimik. Wala naman akong planong makipagbalikan pa kay Roger pero hindi ko lang matanggap na magpapakasal sila ng pinsan ko.
Dumating si Roger. Nagulat pa ang lalake nang makita niya ako. Kinakabahan ang kaniyang itsura at nang sabihin ni Tita ang dahilan kung bakit siya pinapunta dito, namutla siya.
"Kailangan mong pakasalan ang anak ko," diretsahang sabi ni Tita. Napalunok ang magaling na lalake at saglit pa akong sinulyapan.
Nag-iwas naman ako ng tingin.
"Aware ka naman na kaka-eighteen lang niya, di ba? Kailan pa nagsimula ang relasyon niyo?"
"Three months na kami," sagot naman ni Therese. May pagmamalaki sa kaniyang mukha. Si Roger naman ay halos hindi na makapagsalita. Maya't maya akong tinitingnan.
"Kailangan na nating planuhin ang kasal. Kailan kayo makakapunta dito kasama ang magulang mo?"
"Busy po sila," sagot naman ni Roger. May business ang mga magulang niya at madalas nga na wala ang mga ito sa kanilang bahay.
Sina Tita at Therese lang ang nagsasalita sa buong pag-uusap nila tungkol sa kasal. Sinabi nila ang gusto nila. Kung ilang bisita ang dadalo sa enggrandeng kasal na gusto nila.
Buong oras tahimik lang ako. Nagngingitngit sa galit pero kapag naaalala ko ang kagagahan kong ginawa, nasasabi ko na lang sa sarili ko na hayaan ko na lang si Roger. Mag-move on na lang ako agad. Mabilis naman siguro akong makaka-move on since kagabi nga, naisuko ko ang bataan dahil sa kagagahan ko.
Gusto ni Therese na tumira siya sa condo ni Roger pero hindi pumayag si Roger. Dinahilan pa nito ang pagiging conservative ng kaniyang ina.
Gabi na ng matapos ang usapan. Nagpapaalam na din na aalis ang lalake habang panay pa din ang sulyap sa lalake.
"Beryl, tanggapin mo na lang na hindi kayo para sa isa't isa ni Roger," sabi ni Tita. "Total wala pa namang nangyayari sa inyo, di ba? Isipin mo na lang na instrumento ka lang para magkakilala ang pinsan mo at ang ex mo. Ganoon talaga ang buhay, Anak."
I sighed and look at them with a blank face.
"Yes, Auntie. I'm okay. Saka bagay naman sila," sabi ko sabay pilit na ngumiti.
"Hindi na ako magluluto. Hindi naman ako gutom," sabi ko saka sila iniwan.
Hindi ko alam ang iisipin ko sa mga sandaling ito. Gusto kong iyakan ang nangyari sa relasyon namin ni Roger, pero mas lamang ang pagsingit sa aking utak n'ong nangyari kagabi sa amin ng estranghero. Mukhang mauuna pa akong maka-move on sa sinapit ng relasyon namin ni Roger bago ko makalimutan ang unang karanasan ko sa estrangherong iyon.
Sobrang guwapo niya.
Goodbye, Mr. Hot stranger.
Ngumisi ako habang inaalala kung paano ako halikan ng mapupula niyang mga labi. Ang bango pa ng kaniyang hininga. Ang sarap niyang humalik.
Ah!
Mababaliw na ata ako. Parang gusto kong magsisi kung bakit ako umalis kanina. Kaso baka kung siya ang naunang gumising, baka ako pa ang bigyan ng pera dahil sa nangyari sa amin, para lang kalimutan siya at huwag ng guluhin.
Sa guwapo niyang iyon, siya iyong tipo na hindi nagseseryoso. Yeah. Times ten ata na mas guwapo siya kay Roger. Si Roger na ang tino-tino nang una, nagawa pa akong lokohin tapos ang lalakeng iyon pa kaya? Baka nga may girlfriend iyon, e.
Nag-apply ako sa bagong trabaho kinaumagahan. Gustong-gusto ko ng umalis sa bahay ni Tita at magbukod na lang pero ayaw kong may maisumbat sila sa akin.
Tumutulong ako sa gastusin sa bahay. Ako ang nagbabayad ng mga bills at bumibili din ako ng groceries.
Kada hapon, after work tumatambay naman sina Roger at Therese sa bahay. Madadatnan ko sila sa sala naghaharutan pero dinadaanan ko lang sila.
Pansin ko na gusto akong kausapin ni Roger pero nakalingkis lang lagi ang pinsan ko sa kaniya. Hindi ko din naman siya gustong kausapin. Ayaw ko siyang makausap.
Lumipas pa ang ilang linggo. Umuwi ako isang gabi na nadatnan ko si Tita na kinakausap si Roger. Pine-pressure niya ang lalake tungkol sa kasal. Gusto niyang mamanhikan na sila, pero madaming dahilan si Roger.
Hindi ko alam kung bakit hindi niya mapakasalan si Therese. Hindi naman niya ako ipapalit sa babae kung hindi niya mahal ito, di ba?
Hanggang sa wala na siyang maidahilan pa, dahil nagagalit na si Tita sa kaniya.
Namanhikan sila at nagulat ang mga magulang niya nang malaman na hindi ako ang pakakasalan.
Kita ang disgusto sa kanilang mga mukha lalo pa at napaka-sexy ng suot ng aking pinsan. Sobrang kapal din ng kolorete sa kaniyang mukha.
Pero sa huli, nagkasundo sila tungkol sa kasal.
Hindi naman ako na-ba-bother doon. Natanggap ko na ang lahat. P-Paano'ng hindi ko matatanggap, e, may sarili din akong problema na dapat alalahanin.
NGAYON ang kasal nina Therese