11/08/2025
๐๐จ๐ซ๐จ๐ง๐๐ง๐ ๐๐ฉ๐ข๐ง๐๐ง๐ ๐๐ง๐๐ค ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ฐ๐๐ง๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐ญ๐๐ฉ๐๐ญ๐๐ง
Sa gitna ng sana'y tahimik nang mga oras dahil kumagat na rin ang dilim, patuloy na namayagpag ang kumikislap na mga pailaw sa entablado kasabay ng pag-alingawngaw ng hiyawan at palakpakan mula sa mga manonood, dahil muli, isang pangalan ang tatanghaling reyna ng lungsod bunsod ng pagdaraos ng Binibining Ilagan 2025. Bawat isa, may bitbit na pangarap na makamit ang tagumpay, ngunit isa lamang ang nakakuha ng korona โ si Mariella Asuero Tyrrell mula sa Barangay Sta. Isabel Sur, Lungsod Ilagan. Sa kaniyang mahinhing mga ngiti at matatag na paninindigan, ipinakita niya na ang tunay na kagandahan ay hindi lamang nakikita sa panlabas na anyo, kundi sa kabutihang-loob na nagmumula sa kaibuturan ng puso.
Matagumpay na ginanap ang Binibining Ilagan nitong ikasiyam ng Agosto, taong kasalukuyan sa Capital Arena ng Lungsod Ilagan sa pangunguna ng butihing alkalde na si Hon. Jay L. Diaz. Layunin ng patimpalak na ito na kilalanin ang mga kababaihang Ilagueรฑa na may ganda, talino, at malasakit sa komunidad bilang parte ng 13th Cityhood Anniversary ng lungsod. Tampok din ang presensya ni Chelsea Manalo, Miss Universe Philippines 2024, na nagsilbing hurado at inspirasyon sa mga kalahok.
Bago koronahan ang panalo, iginawad muna ang iba pang karangalan: Binibining Turismo, Kultura at Sining kay Nicole Barbero ng Sta. Victoria; Binibining Agrikultura kay Heart Angel Lara mula sa Alibagu; 1st Runner-Up kay Caryl Franchette Leaรฑo ng San Vicente; at 2nd Runner-Up kay Precious Diane Alvarez ng Cadu. Higit pa sa pangunahing titulo, si Mariella ay humakot din ng parangal gaya ng Best in Casual Wear, Best in Farmers Creative Attire, Binibining Villa Mercedes 2025, at Kape Ilokano โ City of Ilagan Ambassadress.
Ngunit higit sa mga tropeo at parangal na kaniyang nagtanggap, mas nag-iwan pa rin ng marka sa bawat manonood ang kaniyang naging kasagutan sa Question and Answer portion. Tinanong siya ng isa sa mga hurado, โIn a world that celebrates beauty, how would you convince people to value character over appearance?โ Panatag ngunit puno ng damdamin, mariin niyang sinabi, โI would convince people to value character over appearance by telling them that authenticity is very important. Because as long as you stay true to yourself with whatever struggles you have, as long as deep inside youโre showing to everyone your true self, you can overcome anything. Thank you!โ. Ang payak ngunit makabuluhang tugon na ito ay umantig sa puso ng mga hurado at nagsilbing malinaw na pahayag na ang karakter ay mas matimbang kaysa sa panlabas na anyo.
Pagkatapos tanggapin ang korona, ibinahagi ni Mariella ang kaniyang plano. โIโm feeling an emotions of roller coaster right now, so my priority is my next journey which is getting the title of Queen Isabela. And after that, if the Lord will give it to me, then I will join the national pageant as well.โ Ipinakikita nito na hindi siya basta humihinto sa isang pagkapanalo, bagkus, patuloy siyang mangangarap at magsusumikap para sa mas marami pang tagumpay sa hinaharap.
Sa pagtatapos ng gabi, malinaw sa lahat na si Mariella ay higit pa sa isang magandang mukha sa entablado. Siya ay isang huwarang kababaihan โ matatag, tapat, at may pusong handang maglingkod sa bayan. Ang Binibining Ilagan 2025 ay hindi lamang isang parangal at koronang inilagay sa kaniyang ulo, kundi isa ring sagisag ng paninindigan at inspirasyong dadalhin niya sa bawat hakbang ng kaniyang paglalakbay. Siya ang tunay na reyna at karapat-dapat sa korona, sa kaniyang determinasyon at lakas ng loob, nakuha niya ang puso ng madla.
Isinulat ni: Jorianne Laureta, Ang Kabataan
Iwinasto nina: Carl Bunagan, Kimberly Manalo, Ang Kabataan
Anyo ni: Clyde Dique, Ang Kabataan