10/08/2026
๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ด ๐ก๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ด๐ฝ๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ง๐ฒ๐ธ๐ป๐ผ๐น๐ผ๐ต๐ถ๐๐ฎ
Sa patuloy na pagbabago ng panahon, patunay ang Wikang Filipino na kaya nitong makasabay sa pag-unlad ng teknolohiya. Sa pag-usbong ng Artificial Intelligence (AI), mas nagiging madali ang paghahanap ng impormasyon at pagsasagawa ng pananaliksik. Sa kabila ng mga pagbabago at pag-unlad ng teknolohiya, nananatiling mahalaga ang wastong kaalaman ng ating sariling wika upang maging daan sa malinaw at epektibong komunikasyon at paglinang ng kaalaman.
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026, lnilunsad ng St. Michael's College of Iligan, Inc. โ Basic Education Department ang pagdiriwang na may temang โWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ
Inaanyayahan ang buong komunidad ng SMCII na makiisa sa pagbubukas ng pagdiriwang at sama-samang kilalanin ang kahalagahan ng ating wika sa gitna ng makabagong teknolohiya. Sa pagkakaisa ng wika at inobasyon, mas napapalawak ang ating kaalaman at mas napagtitibay ang ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.
๐๐ซ๐ข๐ญ๐ญ๐๐ง ๐๐ฒ: Kristine Salvador
๐๐ฅ๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ซ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ฒ: Zeekiah Edith Magdaraog
#๐๐๐๐๐๐๐๐
#๐๐๐๐๐
#๐๐๐๐ง๐๐๐๐๐ฌ