Agong ๐“๐ก๐ž ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐’๐ญ๐ฎ๐๐ž๐ง๐ญ ๐๐ฎ๐›๐ฅ๐ข๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐Œ๐’๐”-๐ˆ๐ˆ๐“ ๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ž๐ ๐ƒ๐ž๐ฏ๐ž๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ฅ ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ

๐‡๐จ๐ง๐จ๐ซ๐ข๐ง๐  ๐Ž๐ฎ๐ซ ๐‡๐ž๐ซ๐จ๐ž๐ฌ, ๐๐š๐ฌ๐ญ ๐š๐ง๐ ๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ž๐ง๐ญWhen people think of heroes, some tend to go back to the legendary names who are wr...
25/08/2025

๐‡๐จ๐ง๐จ๐ซ๐ข๐ง๐  ๐Ž๐ฎ๐ซ ๐‡๐ž๐ซ๐จ๐ž๐ฌ, ๐๐š๐ฌ๐ญ ๐š๐ง๐ ๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ž๐ง๐ญ

When people think of heroes, some tend to go back to the legendary names who are written in history โ€” the thinkers, warriors, and visionaries who sacrificed their lives so our nation might be free. Their sacrifices molded the Philippines, and every year on this day, we stop to commemorate them.

But heroism did not end with our historical figures and fallen martyrs of old. They are silently everywhere around us โ€” in the jeepney driver who wakes up before dawn to take commuters to work, in the nurse who works long shifts caring for the ill, in the street sweeper who makes our streets clean, in the security guard who guards our streets throughout the night.

They do not wear shiny medals, nor will their names appear in textbooks, but their efforts keep the country functioning in ways we often overlook. Their type of heroism does not shout; it operates silently, bearing the burden of day-to-day struggle with strength and resolve.

This National Heroes Day, let us remember that the story of the Philippines is not only written by those in history books, but also by the countless service workers who continue to give, sacrifice, and serve with little recognition.

To our modern-day heroes โ€” maraming salamat. The country moves forward because of you.

Written by Lucian Khylle Unabia
Image by Hara Alexandria Bado

๐…๐ซ๐จ๐ฆ ๐†๐ฒ๐ฆ ๐…๐ฅ๐จ๐จ๐ซ๐ฌ ๐ญ๐จ ๐•๐ข๐ซ๐ญ๐ฎ๐š๐ฅ ๐–๐จ๐ซ๐ฅ๐๐ฌ: ๐‡๐จ๐ฐ ๐€๐ˆ ๐š๐ง๐ ๐•๐‘ are ๐‘๐ž๐๐ž๐Ÿ๐ข๐ง๐ข๐ง๐  ๐„๐๐ฎ๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐งLast August 11th at the MSU-IIT Integrated Deve...
13/08/2025

๐…๐ซ๐จ๐ฆ ๐†๐ฒ๐ฆ ๐…๐ฅ๐จ๐จ๐ซ๐ฌ ๐ญ๐จ ๐•๐ข๐ซ๐ญ๐ฎ๐š๐ฅ ๐–๐จ๐ซ๐ฅ๐๐ฌ: ๐‡๐จ๐ฐ ๐€๐ˆ ๐š๐ง๐ ๐•๐‘ are ๐‘๐ž๐๐ž๐Ÿ๐ข๐ง๐ข๐ง๐  ๐„๐๐ฎ๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง

Last August 11th at the MSU-IIT Integrated Developmental School auditorium, the future gym class was brought aliveโ€”not with badminton rackets and basketballs, but with avatars, headsets, and the potential for a digital playing field.

Dr. Naoki Suzuki, Associate Professor at Tokyo Gakugei University, discussed the use of artificial intelligence (AI), virtual reality (VR), and the metaverse into physical education in Japan. Rather than displacing physical activity, this technology assists students achieve what was previously beyond their reachโ€”everything from mastering skills in traditional games to dancing without the fear of criticism.

He defined virtual reality as a gateway, connecting students in different places, empowering the shy, and even providing opportunities for those unable to step unto a physical court. He explained that artificial intelligence has become an integral part of daily life in Japanese education, augmenting teaching through instant feedback and emotional intelligence.

"Many countries are interested in using AI in educating everyone," he said, citing that its cost-effectiveness of some of the products makes it viable for Philippine education institutions.

Session keynote speaker Prof. Liza Pamaong, the school principal, began with the call to "reflect, reimagine, and rethink" physical education in the technological era. By the end of her speech, it was clear: P.E. is no longer confined within the gym walls. In this new era, the playing field is wherever you are, and the only restriction is where imaginationโ€”and innovationโ€”can lead you.

Written By Lucian Khylle Unabia
Photos taken by Katriel Ziv Lasmarias

๐„๐ฆ๐›๐ซ๐š๐œ๐ข๐ง๐  ๐ญ๐ก๐ž ๐‚๐š๐ฅ๐ฅ: ๐‡๐จ๐ง๐จ๐ซ ๐ข๐ง ๐’๐ž๐ซ๐ฏ๐ข๐œ๐ž ๐ญ๐จ ๐ญ๐ก๐ž ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐งDiscipline can seem intimidating, but only if we perceive it that way....
12/08/2025

๐„๐ฆ๐›๐ซ๐š๐œ๐ข๐ง๐  ๐ญ๐ก๐ž ๐‚๐š๐ฅ๐ฅ: ๐‡๐จ๐ง๐จ๐ซ ๐ข๐ง ๐’๐ž๐ซ๐ฏ๐ข๐œ๐ž ๐ญ๐จ ๐ญ๐ก๐ž ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง

Discipline can seem intimidating, but only if we perceive it that way. Imagine bustling streets, filled with a boisterous crowd. A hush falls as a truck carrying uniformed personnel passes by. Perhaps this image might be too imposing for a young girl clutching cotton candy, focused only on a vendor's balloons. Consider, instead, the gentle ripples of a flag ascending on a Monday morning. Could that subtle sight ignite a spark in the most resolute hearts?

Many often view the military with a sense of awe, and rightly so. The stoicism and strength exuded by those in uniform are the culmination of resilient dedication. Their uniforms embody integrity and selflessness, signifying a commitment to serve beyond personal interestsโ€”a profound service to the country.

Beyond the structured discipline and established chain of command lies the core institution of leadership. During a recent information drive for the Philippine Military Academy (PMA), Major Jet Tadeo, Chief of Recruitment, granted an interview to Agong. He shared further insights into their mission of enlightening students about military commitment.

"If they sense a call to service, or if there's a spark, I wish they wouldn't ignore it," Major Tadeo encouraged. "Whether that's a call of curiosity or a yearning to serve, then go for it," he added.

Within the vastness of the academy, where expectations may weigh heavily on the nation's future infantry officers, they don't primarily focus on your innate leadership abilities, however important those may be. Instead, the academy aims to develop leadership within its grounds, ensuring each cadet is flexible enough to take on five graduate roles.

It is through an aspirant's journey that true aspirations emerge. If this is your calling, do not disregard it simply because you feel insufficient in character. As Major Tadeo affirmed, "Leaders are born, true, but leaders are also made."

Written by Erlita Kristina Lindog
Photos taken by Hara Alexandria Bado

๐“๐š๐ฐ๐š๐  ๐ง๐  ๐“๐ฎ๐ง๐ ๐ค๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง: ๐๐ฎ๐ฌ๐จ ๐š๐ญ ๐“๐š๐ฉ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฒ๐š๐งMay mga tunog na hindi naririnig ng lahat. Minsan ay tila bulong lamang ...
11/08/2025

๐“๐š๐ฐ๐š๐  ๐ง๐  ๐“๐ฎ๐ง๐ ๐ค๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง: ๐๐ฎ๐ฌ๐จ ๐š๐ญ ๐“๐š๐ฉ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฒ๐š๐ง

May mga tunog na hindi naririnig ng lahat. Minsan ay tila bulong lamang sa hangin gaya ng sumasabay sa patak ng ulan sa bubong o sa kaluskos ng dahon sa pagsikat ng araw. Ngunit para sa iilan, ang bulong na ito ay unti-unting nagiging malinaw na tinigโ€”sigaw na bumabagabag sa isip at humahaplos sa puso. Hindi ito mula sa isang instrumento, at lalong hindi basta panaginip. Isa itong tawag na hindi galing sa teleponoโ€”ito ang tawag ng tungkulin.

Sa gitna ng masisiglang pasilyo ng MSU-IIT Integrated Developmental School, isang natatanging panauhin ang dumating ngunit hindi upang magturo ng leksiyon o magbigay ng pagsusulit, kundi upang maghatid ng inspirasyon. Si Major Tadeo, Chief of Recruitment ng Philippine Military Academy (PMA), ay dumating dala ang isang mensaheng para sa lahat at hindi lamang sa mga nagnanais magsuot ng uniporme, kundi sa sinumang handang yakapin ang pamumuno at paglilingkod.

โ€œResilience, integrity, at genuine desire to serveโ€”iyan ang hinahanap namin,โ€ ani Major Tadeo. Para sa kanya, higit pa sa matipunong pangangatawan o mataas na marka, mas mahalaga ang pusong handang maglingkod para sa iba. Sa PMA, hindi lang disiplina ang hinuhubog kundi kabataang may tapang, malasakit, at malinaw na direksiyon sa buhay.

โ€œLeaders are not just born, they are madeโ€, dagdag pa niya. Para sa mga mag-aaral na hindi makapag desisyon, malinaw sa mensaheng ito na sa pamamagitan ng determinasyon sa pagkatuto at pagbabago, walang imposible. Kahit sino ay maaaring maging pinuno, sapagkat ang PMA ay hindi lamang naghahanda ng sundaloโ€”itoโ€™y gumagawa ng mga lider na kaya ring mamuno sa lipunan kahit wala nang uniporme.

Bukod sa pagsagot ng mga katanungan, si Major Tadeo rin ay nagbigay ng isang mensahe para sa mga mag-aaral ng IDS. Ayon sa kanya, ang pagbibigay ng rekrutment dito ay hindi lamang karangalan para sa PMA, kundi pagkakataon din para sa mga mag-aaral ng IDS na sundan ang tawag ng paglilingkod. Ika nga ni Sir Tadeo, โ€œthe call of serviceโ€ should not be ignoredโ€. Sapagkat ang A Call to Serve ay hindi lamang imbitasyonโ€”ito ay hamon.

Sa bandang huli, darating ang oras na tatawagin ang bawat isa ngunit hindi lahat ay tutugon. Sapagkat ang Tawag ng Tungkulin ay hindi lamang naririnig, itoโ€™y nararamdamanโ€”isang pintig sa dibdib na nagsasabing โ€œIto ang iyong misyon.โ€ At kapag dumating ang sandaling iyon, ang tanong ay hindi kung kaya mo ba, kundi kung handa kang sumagot.

Dahil ang tunay na paglilingkod ay isang panata na dapat tinutupad hindi lamang habang may suot na uniporme, kundi habang may pusong handang magsakripisyo para sa bayan at kapwa.

Isinulat ni Raniatu-Jannah A. Mohamad
Kuha ni Trisha Ellaine Acaylar at Gilfred Dagsa

๐’๐ญ๐ž๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐  ๐ˆ๐ง๐ญ๐จ ๐’๐ž๐ซ๐ฏ๐ข๐œ๐žThe path of the soldier is not for the faint of heart. It is a calling not meant for everyone, but ...
10/08/2025

๐’๐ญ๐ž๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐  ๐ˆ๐ง๐ญ๐จ ๐’๐ž๐ซ๐ฏ๐ข๐œ๐ž

The path of the soldier is not for the faint of heart. It is a calling not meant for everyone, but one that is heard and answered by the aspiring military leaders of MSU-IIT Integrated Developmental School.

Major Jet Tadeo of the Philippine Army, along with other officers from the Philippine Military Academy (PMA) Proctor Team, visited the IDS Hinaplanon campus auditorium on August 7th. They conducted an information drive for Grade 11 and 12 students, discussing the PMA Entrance Examination (PMAEE), student life at the academy, and what being part of the PMA truly entails.

As Major Tadeo spoke about the benefits of being in the PMA, he also elaborated on what it means to be a cadet.

In his speech, he emphasized the value of courage, discipline, and integrity in military service. He explained that it takes courage to take the PMAEE and join the army. It takes discipline, perseverance, and a strong will to persist through the trials and rigor of training. Most importantly, he highlighted the significance of honor and integrity in a soldier's duty: defending the country, serving the people, and upholding peace, equality, and protection across the land.

The information drive concluded with a question-and-answer forum. Students freely asked Major Tadeo and the other officers about anything related to the PMA, allowing them to clarify any confusion or misconceptions. This prepared the students for their first challengeโ€”the battlefield of the pen and paper.

Written by Marian Jal Verdida
Photos by Katriel Ziv Lasmarias

๐€๐ ๐จ๐ง๐  ๐€๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐ง๐ข, ๐Š๐š๐š๐ ๐š๐ฉ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ก๐š๐ก๐š๐ง๐๐š ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ƒ๐’๐๐‚ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“Isang makulay at makabuluhang kaganapan ang isinagawa sa MSU-IIT I...
09/08/2025

๐€๐ ๐จ๐ง๐  ๐€๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐ง๐ข, ๐Š๐š๐š๐ ๐š๐ฉ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ก๐š๐ก๐š๐ง๐๐š ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ƒ๐’๐๐‚ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“

Isang makulay at makabuluhang kaganapan ang isinagawa sa MSU-IIT IDS noong Agosto 9, 2025, bilang paghahanda para sa nalalapit na Elimination Round ng Division Schools Press Conference 2025 (DSPC 2025).

Ang aktibidad na ito ay hindi lamang nagbigay ng pagkakataon sa mga kalahok na maghanda para sa kompetisyon, kundi naging isang mahalagang pagkakataon din upang mapalakas ang samahan ng mga kasalukuyang miyembro ng Agong at mga alumni ng school publication.

Kabilang sa mga tumulong na alumni sa ibaโ€™t ibang larangan ng campus journalism ay sina Nova Grace Asencion, Jericka Cipriano, Marianne Nicole Gerona, at Mavelle Dorothy Serate, na nagbahagi ng kanilang kaalaman sa online publishing, collaborative desktop publishing, at mga espesyalisadong larangan gaya ng sports writing, photojournalism, at iba pa.

Bilang mga mentor, nagbigay ang alumni ng mahahalagang tips, payo, at konstruktibong feedback upang mapaangat ang kalidad ng gawa ng bawat kalahok. Ibinahagi rin nila ang kanilang mga naging proyekto at karanasan noong sila ay aktibong miyembro pa ng pahayagan - mga kuwentong nagsilbing inspirasyon at gabay sa mga kabataang mamamahayag.

Sa larangan naman ng radio broadcasting, nanguna sina Ashleigh Dawn Garzo at Shari Buca, na nagturo ng mga teknik sa pagsulat ng script, pagbigkas, at tamang paggamit ng boses sa pagbabalita. Nagbahagi rin sila ng mga makabagong kagamitan at estratehiya sa epektibong paghahatid ng balita sa radyo.

Higit pa sa paghahanda para sa elimination round, binigyang-diin ng pagsasanay ang pagpapalawak ng kasanayan at pananaw ng mga kalahok upang maging handa sa mas mataas na antas ng pamamahayag. Layunin nitong hubugin ang mga mamamahayag na hindi lamang magaling sa teknikal na aspeto, kundi responsable at may malasakit sa tamang pagbibigay ng impormasyon.

Sa huli, ipinakita ng pagtutulungan ng alumni at kasalukuyang miyembro ng Agong ang tunay na diwa ng pagbabahaginan at bayanihan sa larangan ng campus journalism. Patuloy nilang isinusulong ang kalidad at kahalagahan ng tamang impormasyon, habang pinapalakas ang ugnayan ng bawat henerasyon upang magtagumpay sa larangan ng pamamahayag at maghatid ng makabuluhang kwento sa komunidad.

Isinulat ni Trisha Ellaine Acaylar
Kuha ni Trisha Ellaine Acaylar at Gilfred Dagsa

๐’๐š ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐Ž๐ก๐š๐ง๐šKung may soundtrack ang unang araw ng klase, tiyak na itoโ€™y pinaghalong tunog ng alarm clock, z...
08/08/2025

๐’๐š ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐Ž๐ก๐š๐ง๐š

Kung may soundtrack ang unang araw ng klase, tiyak na itoโ€™y pinaghalong tunog ng alarm clock, zip ng bag, lagapak ng sapatos, busina ng dyip, at ang walang kamatayang paalala ni Nanay: โ€œAnak, gising na! Mala-late ka na!โ€ Hudyat ito ng pagbabalik sa isang mahalagang yugto sa buhay ng bawat mag-aaralโ€”ang pasukan.

Ganap na 7:30 ng umaga nang opisyal na buksan ng Integrated Developmental School (IDS) ang taong panuruan sa pamamagitan ng flag ceremony. Maingay ngunit puno ng sigla ang paligidโ€”mga yakapan, kumustahan, at halakhak na tila matagal na hindi nagkita. Ngunit para sa mga bagong mag-aaral sa Grade 7 at Grade 11, higit pa ito sa simpleng pagbabalikโ€”ito ay panimula ng isang bagong paglalakbay sa loob ng isang bagong tahanan.

Sa temang hango sa pelikulang Lilo & Stitch, na โ€œOhana means family. Family means nobody gets left behind or forgotten,โ€ binigyang-diin ng IDS ang kultura ng pagtanggap, malasakit, at pagkakabuklod. Matapos ang seremonya, sinimulan ang isang masaya at makabuluhang school tour para sa mga bagong estudyante. Sa bawat pasilyo, ramdam ang mainit na pagtanggapโ€”may mga gabay-mag-aaral na nagturo, nagbahagi ng kwento, at nagbigay ng gabay, na animoโ€™y matagal nang kaibigan ng mga bagong pasok.

Sinundan ito ng isang oryentasyon sa auditorium na hitik sa ngiti, hiyawan, at tawanan. Sa kabila ng pagiging makatuturan, nanatili itong kawili-wili para sa mga mag-aaral dahil sa mga inihandang pagtatanghal at pormal na pagpapakilala sa mga pangunahing tauhan ng paaralan. Ilan sa mga piling mag-aaral ay nagbahagi rin ng kanilang karanasan sa IDS, na nagsilbing inspirasyon sa mga nakikinig. Isa itong paalala na sa IDS, ang bawat isa ay may kasamang gumagabay at handang umalalay sa anumang hakbang ng paglalakbay.

Hindi lamang mga bagong mag-aaral ang naging sentro ng selebrasyonโ€”pati ang mga dati nang bahagi ng IDS ay muling nabuhayan ng sigla. Ang unang araw ay nagsilbing reunion para sa marami, at pagkakataon ding muling makabuo ng panibagong alaala kasama ang mga kaibigan, g**o, at buong komunidad ng paaralan.

Sa pagtatapos ng araw, pawisan man at pagod ang lahat, mas nanaig ang saya at pananabik para sa mga susunod pang kabanata. Ang unang araw sa IDS ngayong taon ay hindi lamang simpleng pagbubukas ng klase, kundi isang paanyaya sa bawat isa na maging bahagi ng isang Ohanaโ€”isang pamilyang handang umalalay, sumuporta, at hindi kailanman mag-iiwan ng kahit sino.

Isinulat ni Raniatu-Jannah A. Mohamad
Kuha ni Sittie Fatmah Bucay

๐’๐ฉ๐ข๐ซ๐ข๐ญ๐ž๐ ๐’๐ญ๐š๐ซ๐ญ๐ฌ: ๐ˆ๐ƒ๐’ ๐Œ๐š๐ซ๐ค๐ฌ ๐๐ž๐ฐ ๐๐ž๐ ๐ข๐ง๐ง๐ข๐ง๐ ๐ฌ ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐…๐ข๐ซ๐ฌ๐ญ ๐…๐ฅ๐š๐  ๐‚๐ž๐ซ๐ž๐ฆ๐จ๐ง๐ฒThe season of snoozed alarms, visiting new places, and...
06/08/2025

๐’๐ฉ๐ข๐ซ๐ข๐ญ๐ž๐ ๐’๐ญ๐š๐ซ๐ญ๐ฌ: ๐ˆ๐ƒ๐’ ๐Œ๐š๐ซ๐ค๐ฌ ๐๐ž๐ฐ ๐๐ž๐ ๐ข๐ง๐ง๐ข๐ง๐ ๐ฌ ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐…๐ข๐ซ๐ฌ๐ญ ๐…๐ฅ๐š๐  ๐‚๐ž๐ซ๐ž๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ

The season of snoozed alarms, visiting new places, and cozying up in bed all day has finally come to an end. Despite most students wishing they could spend just one more day on vacation before school started, it had to conclude, for even better things await. Now, it's time for the students and faculty of IDS to embark on another school year together, welcoming yet another opportunity to learn and grow as individuals.

After two months apart, IDS students shared laughs and small talk as they made their way to the Prime building for the first flag ceremony of A.Y. 2025-2026. Once the clock ticked 7:30, everyone stood in their respective areas and followed the sequence of the ceremony, led by the Supreme Student Council (SSC). Subsequently, the SSC adviser, Assistant Professor Sherifa Rosslaini O. Kadil, extended a warm welcome, followed by a few announcements regarding the exciting events and activities prepared by the student council.

To further kick the day off to a good start, the students filled the field with their energy, dancing and cheering along to a Zumba session led by the IDS Dance Club and SSC. With excited smiles and high spirits, they made their way back to their classrooms after that brief, yet uplifting, ceremony.

Written by Mohanie Mulok
Photos by Hara Alexandria Bado

๐๐š๐ซ๐ž๐ง๐ญ-๐’๐ญ๐ฎ๐๐ž๐ง๐ญ ๐Ž๐ซ๐ข๐ž๐ง๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง: ๐€ ๐†๐ฅ๐ข๐ฆ๐ฉ๐ฌ๐ž ๐ข๐ง๐ญ๐จ ๐ญ๐ก๐ž ๐ˆ๐ƒ๐’ ๐‰๐จ๐ฎ๐ซ๐ง๐ž๐ฒWalking into new and unfamiliar places often brings feelings o...
06/08/2025

๐๐š๐ซ๐ž๐ง๐ญ-๐’๐ญ๐ฎ๐๐ž๐ง๐ญ ๐Ž๐ซ๐ข๐ž๐ง๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง: ๐€ ๐†๐ฅ๐ข๐ฆ๐ฉ๐ฌ๐ž ๐ข๐ง๐ญ๐จ ๐ญ๐ก๐ž ๐ˆ๐ƒ๐’ ๐‰๐จ๐ฎ๐ซ๐ง๐ž๐ฒ

Walking into new and unfamiliar places often brings feelings of fear and intimidation, and entering IDS is no exception. For Grade 7 students and Grade 11 transferees, welcoming this school year means stepping into a brand new chapter in their lives. While initially daunting, it's ultimately an exciting prospectโ€”something truly worth anticipating.

Before these freshmen and transferees embarked on their IDS journey, a parent-student orientation was held in the Auditorium. This event allowed them to become familiar with the faculty, staff, policies, systems, and regulations of IDS.

The event began with the introduction of the school's executive committee, staff, and members of each faculty department. The introductions highlighted not only their titles but also their functions, emphasizing each individual's role in maintaining the school's operations. This gave students and parents a clear idea of whom to approach with their concerns. Following these introductions, the rules and regulations of IDS were thoroughly reviewed.

The parent-student orientation wasn't just a platform to discuss the school's system; it also provided an opportunity for parents to voice their thoughts through an open forum. This segment served as a space for parents to ask questions and clarify any confusions after the discussions.

As the program concluded, students and parents, who had arrived feeling uncertain, left the hall equipped with the information needed to guide them through the school year. The orientation offered their first glimpse into how IDS operatesโ€”a simple yet crucial step before they truly begin this new chapter of their lives.

Written by Mohanie Mulok
Photos by Hara Alexandria Bado

Are you a student with a passion for journalism, writing, or art? The/Ang Agong, IDS official student publication, is lo...
04/08/2025

Are you a student with a passion for journalism, writing, or art? The/Ang Agong, IDS official student publication, is looking for talented and creative individuals to join its team!

We are currently recruiting for the following positions:
* Column Writers
* Copyreaders and Headline Writers
* Sci-tech Writers (background in STEM is a plus!)
* Sports Writers
* Layout Artists
* Cartoonists
* Photographers

We are also forming two specialized teams:
* The Collaborative and Desktop Publishing Team: This team needs feature writers, editorial writers, news writers, sports writers, editorial cartoonists, photojournalists, and layout artists.

* The Online Publishing Team: We're looking for editorial writers, sports writers, editorial cartoonists, and layout artists to help us make our mark on the web.

Ready to tell the stories that matter? Be an AGONG BEARER.
Please see Ma'am Ada or Marian Jal B. Verdida of THE AGONG and Maโ€™am Cristy or Trisha Ellaine for ANG AGONG for more information on how to join.

๐”๐๐‚๐€๐“ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ ๐ข๐ฌ ๐ก๐ž๐ซ๐ž!After months of restless preparation, sleepless nights, and hours of reviewing, the day has finally a...
02/08/2025

๐”๐๐‚๐€๐“ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ ๐ข๐ฌ ๐ก๐ž๐ซ๐ž!

After months of restless preparation, sleepless nights, and hours of reviewing, the day has finally arrived.

So breathe in, breathe out, and don't let the pressure get to you.

This is your chance to turn your Iskolar dreams into a reality, so do your best and have faith in yourselves.

Best of luck, batch 2026! May the stars align in your favor. โญ๐ŸŒป

| Pubmat & Caption by Mohanie Mulok

๐Œ๐’๐”-๐ˆ๐ˆ๐“ ๐ˆ๐ƒ๐’ ๐‰๐จ๐ฎ๐ซ๐ง๐š๐ฅ๐ข๐ฌ๐ฆ ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐ : ๐๐š๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐“๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ, ๐†๐š๐ฅ๐ข๐ง๐ , ๐š๐ญ ๐๐š๐ ๐ค๐š๐ญ๐ฎ๐ญ๐จPuno ng saya at pagtanaw ng tagumpay ang h...
01/08/2025

๐Œ๐’๐”-๐ˆ๐ˆ๐“ ๐ˆ๐ƒ๐’ ๐‰๐จ๐ฎ๐ซ๐ง๐š๐ฅ๐ข๐ฌ๐ฆ ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐ : ๐๐š๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐“๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ, ๐†๐š๐ฅ๐ข๐ง๐ , ๐š๐ญ ๐๐š๐ ๐ค๐š๐ญ๐ฎ๐ญ๐จ

Puno ng saya at pagtanaw ng tagumpay ang huling araw ng Campus Journalism Training sa MSU-IIT Integrated Developmental School (IDS), nang igawad ang mga parangal sa mga estudyanteng nagpamalas ng kahusayan sa ibaโ€™t ibang larangan ng pamamahayag. Mula sa pagsusulat, pakikipagtulungan, hanggang sa radio broadcasting, kinilala ang dedikasyon at galing ng mga kalahok sa tatlong araw na masinsinang pagsasanay.

Iginawad ang mga sertipiko ng partisipasyon sa lahat ng lumahok bilang patunay ng kanilang aktibong paglahok at natamong kaalaman. Isinagawa rin ang espesyal na pagkilala sa mga estudyanteng namumukod-tangi sa kanilang gawa at pakikilahok, na lalong nagpatibay sa layunin ng pagsasanay: ang paghubog ng mga responsableng mamamahayag sa hinaharap.

Sa loob ng tatlong araw, masinsinang tinutukan ng mga kalahok ang ibaโ€™t ibang anyo ng pamamahayag. Sa unang araw, pinangunahan ni Johnel T. Lumacao, panauhing tagapagsalita, ang pagsasanay sa pagsulat ng artikulo. Binigyang-diin niya ang pamamaraan ng pagsulat ng artikulo, kung saan tinalakay ang balangkas ng isang mahusay na sulatin, pati na rin ang tungkulin ng isang manunulat sa lipunan. Sa pamamagitan ng mga lektyur at writing drills, nahubog ang kakayahan ng mga estudyante sa malikhaing at mapanuring pagsulat.

Sa ikalawang araw, itinampok ang larangan ng Radio Broadcasting sa pangunguna ni Paul Patrick Guanzon. Sa pamamagitan ng hands-on activities, natutunan ng mga kalahok ang tamang paggamit ng boses, pacing, clarity, at professional delivery. Gumawa rin sila ng script at sumubok mag-broadcast, kung saan agad nilang naipamalas ang kanilang natutunan sa praktikal na paraan.

Samantala, sa ikatlong araw, isinagawa ang mga simulasyon at kolaboratibong mga gawain na Collaborative Desktop Publishing, Online Publishing, at Radio Broadcasting. Dito nasubok ang kanilang teamwork at kakayahang pagsamahin ang kani-kanilang talento upang makabuo ng makabuluhang media outputs. Pinagtibay ng mga aktibidad ang diwa ng pagtutulunganโ€”isang mahalagang aspeto sa tunay na gawaing pamamahayag.

Sa pagtatapos ng training, higit pa sa mga sertipiko at gantimpala ang nakamit ng lahat. Baon din ng mga estudyante ang mas malalim na pag-unawa sa halaga ng media bilang tagapagdala ng katotohanan, katarungan, at boses ng komunidad. Bitbit ng bawat kalahok ay hindi lamang ang bagong kaalaman, kundi ang panibagong layunin: magsulat para sa bayan, at magsalita para sa katotohanan.

Isinulat ni: Trisha Ellaine Acaylar
Kuha ni: Zanel Eve Tagalogon

Address

Iligan City
9200

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Agong posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Agong:

Share