06/03/2026
Totoo βyan.
Hindi ko itatanggi.
Sa dami ng taon ko sa negosyo, mas marami akong gabing hindi nakatulog kaysa sa gabing kampante.
May mga pagkakataon na halos maubos ang ipon ko.
May mga desisyong akala ko tama, pero ako rin ang nasaktan.
May mga taong umalis, may mga planong bumagsak.
Oo, risky talaga.
Pero eto ang hindi madalas sabihin ng tao, risky din ang hindi magnegosyo.
Risky ang umasa sa iisang income.
Risky ang manatiling komportable pero walang control sa kinabukasan mo.
Risky ang hindi mo sinusubukan ang kaya mong gawin dahil takot ka sa possibility na mabigo.
Ang tanong hindi kung may risk ba.
Ang tanong,
anong klaseng risk ang kaya mong tanggapin?
Sa negosyo, may risk ka sa pera, sa reputasyon, sa pagod.
Pero may kapalit ay growth, freedom, pagkakataong baguhin ang trajectory ng pamilya mo.
Sa pagiging safe, ang kapalit ay seguridadβ¦
pero minsan,
limitado rin ang galaw mo.
Sa edad ko ngayon,
hindi ko na hinahanap ang buhay na walang risk.
Hinahanap ko ang risk na may direksyon.
Yung pinag-isipan.
Yung may plano.
Yung handa kang panindigan kahit mahirap.
Dahil sa huli,
hindi ka lalaki kung hindi ka tataya.
At ang tunay na tapang,
hindi ang walang takot,
kundi ang kumikilos kahit meron.