25/07/2020
"Sistema sa pagbukas ng iskwela"
Tila ang hirap isipin kung anong mangyayari sa pagbukas ng bagong programa.
Ito ba'y makakatulong talaga?
o mas mahihirapan ang iba?
Oo sabihin na nating para din sa mga bata,kung bakit pinapapasok ka.
Upang Matuto?at hindi daw mangalawang ang utak nito.
Tama ba?Sapat ba?
Na sinasabing ang Ina ang siyang magtuturo sa loob ng tirahan nila.
Paano naman yung mga batang wala ng Ina?
Na ang lola at lolo nalang ang kasama?
Sinasabing Magulang na ang bahala para matuto mga anak nila.
Tama ba?Matututo ba talaga sila?
Siguro nga ngayong pasukan
Hindi lahat ng gustong mag-aral ay makakasabay sa ninanais nila.
Sapagkat marami ring kailangan upang ika'y makapasa.
At hindi lahat ng magulang ay may ganap na trabaho upang sustentuhan sila.
Modular?Meron ngang sa face to face teaching hindi na makasabay.Paano nalang kaya?Matututukan nga ba talaga sila?
Hindi sa nagmamagaling
gusto ko lang ilabas ang aking saloobin.
Sa Modular na kailangan din maghanap sa social media ng kasagutan,dahil siguradong pag may hindi maintindihan I se-search at ise-search natin yan.
Bakit hindi muna ihinto?Kahit ngyong taon lang?
Dahil tiyak kaligtasan ai ating iniingatan.
-Boses ng kabataang nahihirapan sa sistemang bubuksan!☝✊👎😖