
18/06/2025
๐๐ฆ๐ฃ๐ฆ๐, ๐ฃ๐ฎ๐๐ผ๐ธ ๐๐ฎ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ ๐ง๐๐ ๐๐ ๐ฃ๐๐๐ง ๐ฅ๐๐ก๐๐๐ก๐๐ฆ; ๐ก๐ฎ๐ป๐ด๐๐ป๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐๐๐ป๐ถ๐ป ๐ป๐ด ๐ญ๐ฒ๐ฟ๐ผ ๐๐๐ป๐ด๐ฒ๐ฟ
Pasok ang Ilocos Sur Polytechnic State College (ISPSC) sa prestihiyosong 2025 Times Higher Education (THE) Impact Rankings. Nakapagtala ang institusyon ng kabuuang ranggong 1001-1500 sa buong mundo at panglima sa labingtatlong unibersidad sa Rehiyon Uno.
Pumwesto ang ISPSC sa SDG 2: Zero Hunger, sa ika-601-800 mula sa 955 unibersidad. Kabilang din ito sa top 801-1000 sa SDG 1: No Poverty, 1001-1500 sa SDG 4: Quality Education, at 1501+ sa parehong SDG 3: Good Health and Well-being at SDG 17: Partnership for the Goals.
Ang ISPSC ay isa sa 13 higher education institutions mula sa Rehiyon I na nakapasok sa rankings ngayong taon, kung saan 2,092 unibersidad mula sa 125 bansa at rehiyon ang sinuri gamit ang World University Rankings (WUR) 3.0 methodology.