02/10/2026
✴️MAHAL NA ANG LAHAT✴️
Hindi lang ito feeling.
Sa latest data, 6.1% ang inflation ng Pilipinas
Pero dito sa atin, mas mataas.
8.4% sa Western Visayas, 9.7% sa Iloilo Province, at 7.6% sa Iloilo City
At tandaan—kapag bumaba ang inflation nang kaunti, hindi ibig sabihin bumaba na ang presyo.
Tumataas pa rin ang bilihin.
Mas mabagal lang ang pagtaas.
Pero eto ang mas kailangan nating bantayan.
Hindi na lang inflation ang problema
The Philippine economy is still growing, pero bumagal ang growth to 2.3%
At kasabay nito, unemployment climbed to 6%—or more than 3 million Filipinos looking for work.
So isipin mo yung combination:
Mahal ang bilihin.
Bumagal ang ekonomiya.
Mas maraming naghahanap ng trabaho.
And this is where we need to talk about STAGFLATION
Ano ba ’yon?
Simple lang: mahal na ang bilihin, pero mahina rin ang takbo ng ekonomiya at trabaho.
Normally, kapag mabilis ang economy, may pressure na tumaas ang presyo.
Pero sa stagflation, mataas na nga ang presyo, mahina pa ang growth at hirap pa ang job market.
Parang sabay kang naiipit sa magkabilang side.
Hindi ibig sabihin na officially nasa stagflation na tayo ngayon.
Pero may mga warning signs na kailangan nating bantayan.
At habang tumataas ang presyo, workers are also asking for higher wages.
Sa Western Visayas, nasa ₱520 to ₱550 ang current daily minimum wage.
May proposal ngayon for another ₱250 increase.
And gets naman natin kung bakit.
Kung tumataas lahat pero hindi sumasabay ang sweldo, lumiit talaga ang nabibili ng pera mo.
Pero eto rin ang kabilang side.
Imagine you're running a small café, carinderia, bakery or restaurant.
Mahal ang ingredients.
Mahal ang kuryente.
Mahal ang transportation.
Mahal ang supplies.
Tapos tataas pa ang labor cost.
Hindi naman puwedeng lahat ipasa mo sa customer.
Kapag tinaasan mo nang sobra ang presyo, baka mawalan ka ng customer.
Kapag hindi ka nagtaas, kinakain naman ng gastos ang kita mo.
At kapag hindi na kaya ng negosyo—trabaho rin ang puwedeng mawala.
Kaya hindi ito simpleng:
“Taasan lang ang sweldo.”
or
“Ibaba lang ang presyo.”
Workers need better income.
But businesses also need enough room to survive, grow, and hire.
At may isa pang threat.
🚨El NIÑO
PAGASA warns that the current El Niño could become Very Strong
Kapag lumala ang drought at tinamaan ang agriculture—less supply can mean another round of pressure sa presyo ng pagkain.
So ngayon, hindi lang ito tungkol sa:
“Bakit ang mahal na ng bilihin?”
Mas malaking economic problem na siya.
Paano bababa ang presyo without killing growth?
Paano tataas ang sweldo nang hindi lalo nahihirapan ang small businesses?
Paano tayo gagawa ng mas maraming trabaho?
And if El Niño hits food production harder—handa ba tayo sa panibagong taas-presyo?
Because right now, parehong naiipit.
Workers are earning but buying less.
Businesses are selling but spending more.
And millions are still looking for work.
MAHAL NA ANG LAHAT.😭
Pero ang mas malaking tanong ngayon—kaya pa ba ng sweldo, negosyo at trabaho na sabayan ang pagmahal ng lahat?😣