14/12/2025
Wow na wow sa Project 'WOW'
Sa mabilis na takbo ng pag-ikot ng mundo, sa pang araw-araw na buhay, may mga sandaling humihinto upang magbigay-daan sa paghilom, pisikal man o emosyonal. Sa mga barangay na madalas puno ng ibuhay at kulay, umusbong ang isang tahimik ngunit makapangyarihang inisyatibo na naglalayong maghatid ng kaalaman at pagkatuto sa iisang hakbang. Dito nabuo ang konsepto ng Wellness on Wheels (WOW), isang proyektong nag-uugnay sa kabataan, edukasyon, at serbisyong pangkomunidad.
Pinangunahan nina Ma'am Enrijean De Aroz at Ma'am Mary Wenith De Asis, mga g**o sa TLE Nail Care Services at Wellness Massage. Layunin nitong tugunan ang kakulangan ng oras at aktuwal na kliyente ng mga mag-aaral sa Grade 9 at 10 sa pagsasagawa ng kanilang performance tasks. Dahil ang pagkatuto ay hindi nakatali lamang sa apat na pader ng silid-aralan, kaya inilapit ang pagkatuto sa komunidad sa pamamagitan ng paggamit ng barangay gym bilang ligtas at bukรกs na training ground, alinsunod sa mga alituntunin ng IATF, LGU, at DOH.
Pinangkat ang mga mag-aaral ayon sa barangay upang palakasin ang kooperasyon at aktuwal na pagsasanay. Ipinakilala ng mga g**o ang tamang gamit ng kagamitan sa pamamagitan ng talakayan, video presentations, at return demonstrations. Ang mga gawain ay nakabatay sa MELCS, nagbigay ng mga kagamitan ang mga mag-aaral habang ang ibang mga materyales ay nagmula sa paaralan.
Hindi lamang kasanayang teknikal ang nahubog sa WOW. Naging espasyo rin ito ng pag-unawa sa mental health at responsableng paglilingkod. Sa mga serbisyong tulad ng manicure, pedicure, hand, foot spa, at ibaโt ibang uri ng masahe, banana leaf scanning, at ventosa, natutunan ng mga mag-aaral ang empatiya at propesyonalismo.
Wellness on Wheels nagsisilbing tulay sa pagitan ng teorya at praktikal na karanasan. Kaakibat ng bisyon at misyon ng DepEd, pinatutunayan ng proyektong ito na ang edukasyon ay nagiging mas makabuluhan kapag inilalapat sa komunidad. Patunay na ang pakatuto ay patuloy umiikot at tunay na naglilingkod.
Nagpapasalamat ang Project WOW implementers na sina Gng. De Aroz at Bb. De Asis kina Dr. Lea P. Huelgas, Principal IV, Dr. Johna P. Mana-ay, Assistant School Principal ll, Gng. Agumar C. Mana-ay, Head Teacher III, Bb. Eva T. Patanindagat, Head Teacher I ng Mina National High School, sa mga magulang at brgy. officials para sa kanilang pakikiisa at pagsuporta.
Malaking papel ang inyong ginampanan upang matagumpay na maimplementa at maging posible ang naturang proyekto sa mga mag-aaral pati na rin sa komunidad.
Litrato mula kay Bb. Mary Wenith P. De Asis
(DJBR / FMLA / SBP / Ang MONTOGAWE)
Subaybayan kami sa:
๐ Facebook | ANG MONTOGAWE
๐ฉ Email | [email protected]