04/06/2024
FACT CHECK: HINDI TOTOONG MAY PRIVATE ARMY SI PASTOR QUIBOLOY
Ang private army ay isang grupo ng mga armadong indibidwal na inorganisa, pinanatili, at kontrolado ng isang pribadong entidad o indibidwal sa halip na ng estado o gobyerno.
Wala si Pastor Quiboloy nito. Contrary to the claims of KOJC’s persecutors that Pastor Quiboloy has a private army, KOJC only has faithful followers who believe in the doctrine of repentance and obedience to God’s Words.
Ano ang meron kay Pastor Quiboloy?
Si Pastor Quiboloy ay mayroong mahigit 7 milyong tagasunod sa buong mundo, mga taong may iba’t ibang karanasan sa buhay, karamihan ay may masalimuot na nakaraan, ang iba ay maituring na salot ng lipunan, ngunit nang sila ay nakapakinig ng mga pangangaral ni Pastor Quiboloy sa TV at radio, sila ay nagsisi at nagbago.
Ang salot ay naging law-abiding, ang makasalanan ay naging matuwid, ang madamot ay naging mapagbigay, ang masama ay naging mabuti. Hindi sila private army na may mga armas pangwasak. Sila ay mga taong binago at handang ialay ang buhay para sa kabutihan dahil iyan ang turo ni Pastor Quiboloy sa kanila- ang maging mabuti.
Sino ang may pakana ng mga isyung may private army si Pastor Quiboloy? Ito ay isang estoryang gawa-gawa lamang ng mga nag-aakusa sa kanya, isang kasinungalingan na pilit inuli-ulit upang gawing katotohanan. Ito ang mga taong ang maitim ay ginawang maputi, ang maputi ay ginawang maitim. Ang malinis ay ginawang marumi, ang marumi ay ginawang malinis. This is what we call the mind-conditioning theory, upang gawing totoo ang isang kasinungalingan.