11/11/2025
May something talaga sa Picture ng Jollibee dito.
LONG POST AHEAD 🥺🥺🥺 After almost 3 months, nag Jollibee ako. It was around one oclock ng madaling araw, so wala masyadong tao. Inorder ko yung mga bawal sa'king pagkain. Sabi ko, once lang naman. While eating, there was a song playing na alam mo yun, yung kanta sya na malungkot ang tempo at tono pero masaya ang lyrics. And then, I saw this 'sintra board' of Jollibee (hindi lang ako sure kung ano ang tawag dito)
May something.
Ang saya pag nakangiti lahat 'di ba? Sarap tingnan 'di ba? Lakas makagaan ng loob 'di ba? Napaka positive tingnan.
Look, I went to an event last night, ako ang incharge sa program flow and creatives. During rehearsal time, it happened many times na tuwang-tuwa ang technical staff kase parang first time yata nila makaranas ng malalang lights and musical arrangement pero nakukuha nila ang sistema. Habang dinidiscuss ko ang mangyayari, may mga mali, pero nakangiti akong sinasabi na "Ok lang kuys, ok lang, bawi next time", so hindi sila kabado kase naka-ngiti lang ako, naging komportable sila sakin.
After multiple mistakes during rehearsal, nakuha nila ang run ng programa. To make the story short, na-perfect namin ang arrangement. Here comes the live event.
Sobrang daming mali, hindi nahahalata ng audience pero sobrang dami ng mali. Sa bawat maling switch at flash ng light nasisigawan ko sila. Bawat mali ng pag-buton ng LED animation ay nasisigawan ko sila. Sa bawat mali sa mic reverb ay nasigigawan ko sila. Up until, nataranta na sila sakin.
After ng event, lumapit ang senior staff, he then took my hand and congratulated me, and then humingi ng paumanhin. Ramdam ko yung hiya niya at kaba habang nakaharap sakin. Ang ginawa ko, inulit ko lang ang sinabi ko sa kanila during rehearsal "Ok lang kuys, ok lang, bawi next time" sabay smile.
Then lumapit yung ibang kasama niya sa'ming dalawa, ngumiti ako sabay sabing thank you, sa uulitin.
May time talaga sa buhay na kahit gaano kabigat ang sitwasyon kung nakangiting hinaharap ito, ang gaan parin sa pakiramdam. Sometimes, the best way to respond to failures, sadness, mistakes and struggles is just a simple smile. Hindi mahirap i-direct at i-set ang mood sa pagiging masaya.
Here I am now, eating alone then I texted the senior staff of the lights and sound, sabi ko "Kuys, thank you. Napaka-successful ng event at napakaganda ng presentation."
Nagreply, "Thank you din sir, sana ikaw ulit sa susunod ang director ng event, ang galing, solid"
HINDI MAHIRAP MAGING MASAYA KAHIT NA SA PINAKAMALUNGKOT AT PINAKASAMA MONG MGA ARAW AT SITWASYON. ☺️❤️
Smile ka na. Life is suppose to be celebrated everyday!