15/04/2024
Tahanang alam mong hindi perpekto, pero ipinaparamdam nitong kamahal-mahal ka. Na, higit ka sa anumang ang sinasabi ng iba.
Tahanang, komportable kang ipakita ang nararamdaman mo, na madalas natatakot ka, na hindi mo kayang mag-isa. Tahanang yayakapin ka, at ipaparamdam na walang mali at kulang sayo.
Kaya pala madalas pinipiling ng iba na umalis, kaysa manatili sa kanilang tahanan ay dahil sa halip na buoin sila ng tinuturing nilang tahanan. Mas nararamdaman nilang unti-unti silang nawawasak.
It's sad knowing that some people out there, are longing for what we called home. Hindi lahat umuwi ng nakangiti sa bahay, hindi lahat masaya at payapa pag nasa loob ng kanilang mga bahay. Yung iba madalas kahit na magkakasama sila sa iisang bahay, nararamdaman nilang mag-isa lang silang lumalaban. Hindi lahat, nararanasan ang pagmamahal, pang-unawa at pagtitiwala.
Hindi lahat ng umuuwi sa bahay, sinasalubong ng mainit ng mga yakap, at mga salitang "kumusta". Hindi lahat pinaghahandaan ng pagkain, o inaalagaan. Madalas kinakaya lang nila itong mag-isa.
If you are currently in this kind of situation, I pray that someday you can able to find a loving home that will love you, that will protect you for something that might hurt you. Remember that "home is not where you are from, but home is where you feel you are belong".
Salamat sa mga taong minsan natin naging tahanan. Mahigpit na yakap, balang araw mahahanap mo rin ang tahanang para sayo. 🌻
— credits: Ladywithscars ✨
follow her for mooore inspiring wisdom! 🧡