30/12/2025
Hindi lahat ng rebolusyon ay nagsisimula sa sigaw.
Ang iba, isinusulat muna—
sa pagitan ng takot at pag-asa,
sa pahinang handang tumbasan ng buhay.
Sa pagtilad ng kasaysayan,
may isang pangalang hindi kumukupas,
sapagkat ang kanyang mga salita
ang patuloy na gumigising sa diwa ng bayan.
Ang araw na ito’y paggunita sa buhay, diwa, at sakripisyo ng pambansang bayani.
Sa alaala ni Dr. Jose Rizal,
ipagpatuloy natin ang laban ng pag-iisip,
sapagkat ang bayang mulat
ay bayang hindi kailanman aalipinin.
Disenyo ni Mdpn. Cj Earn Anthony Gonzaga