22/06/2026
Yung batang ginagabi noon sa kakalaro, ayaw magpahinga at ayaw umuwi hangga’t hindi pinapagalitan…
Ngayon, siya na yung taong pagod na pagod sa buhay.
Hindi dahil sa laro, kundi dahil sa mga obligasyon. Dahil sa pagharap sa mga consequences ng mga piniling landas. Dahil sa mga pagkakamaling hindi naman sinadyang gawin pero kailangan pa ring panagutan.
May mga panahon na sa sobrang gustong makatakas sa realidad, nakagawa ng mga desisyong hindi pala tama. Mga desisyong hanggang ngayon ay may kapalit pa ring binabayaran.
Nagsisi ba?
Oo.
Pero higit sa pagsisisi, natuto.
Natutong hindi lahat ng gusto mo ay makakabuti sa’yo.
Natutong hindi lahat ng takbo ay makakatakas ka sa problema.
At natutong kahit mabigat ang kahapon, may pagkakataon pa ring bumangon at maging mas mabuting tao ngayon.
Hindi na ako yung batang walang iniisip kundi maglaro.
Pero dala ko pa rin yung tibay niya—ang batang kahit ilang beses madapa, tatayo ulit at magpapatuloy.