14/09/2025
Ngiti
Akala ng lahat, maayos ka na,
Dahil sa labi mo’y laging may saya.
Ngunit sa likod ng halakhak mong giliw,
Pusong sugatan ang lihim na tiniis.
Sabi ng iba, “ang tibay mo naman,
Di ka apektado ng anumang laban.”
Ngunit sa gabi, sa gitna ng dilim,
Luha ang kasabay ng paghinga’t himbing.
Ngiti mong matamis, tila’y sandigan,
Ngunit maskara lang ng pusong sugatan.
Sa bawat tawa’y may kirot na tago,
Sa bawat halakhak, may hapding totoo.
O, sana’y may matang tunay na makakita,
Na sa likod ng ngiti’y may luhang kumakawala.
At sana’y may bisig na handang umalalay,
Sa pusong nanghihina’t unti-unting bumibigay.
Ngunit kahit pasan ang bigat ng mundo,
Nananalig ka pa rin sa liwanag ng bukas.
Pagkat sa ngiting sa hirap hinugot,
Nagmumula ang lakas na di matutunton.