17/05/2025
PARA SA MGA MISTER NA HINDI NAKAKA-INTINDI AT AKALA PALAGING INAAWAY!
Hindi lahat ng sinasabi sa’yo ng asawa mo ay para siraan ka o iparamdam na wala kang kwenta. Kapag sinabi niyang may mali ka, hindi ibig sabihin na gusto ka niyang gawing masama sa paningin mo o ng iba. Ginagawa niya ‘yun kasi mahalaga ka sa kanya. Mahal ka niya kaya ayaw niyang manatili kang ganon—na parang walang pakialam o walang natutunan.
Sinabi niya ang mga pagkukulang mo hindi para maliitin ka, kundi para maitama. Para may matutunan ka at makita mo na may kailangang baguhin, kasi naniniwala siyang kaya mong maging mas mabuti. Hindi madali para sa kanya ang magpaka-tapat sa’yo, lalo na kung alam niyang may posibilidad na magalit ka o balewalain siya. Pero pinipili niyang magsalita kasi gusto niyang ipaglaban ang relasyon niyo, gusto niyang maging maayos kayo.
Maraming pagkakataon na pwede ka na lang niyang iwan, sumuko, o hayaan ka na lang sa gusto mo. Pero hindi niya ginawa. Sa kabila ng lahat ng sakit, pagkukulang, at tampo, mas pinili niyang mag-stay. Pinili niyang intindihin ka, alagaan ang relasyon niyo, at suportahan ka para maging mas mabuting tao.
Kaya sana naman, pakinggan mo siya. I-appreciate mo na sa kabila ng kahinaan mo, nariyan pa rin siya para iparamdam na mahalaga ka at hindi ka niya basta-basta susukuan. Dahil ang pag-ibig ay hindi lang puro kilig o tamis. Pag-ibig ang nagtutulak sa kanya na manatili, kahit mahirap.
Wag mong sayangin ang effort ng isang taong handang sumugal para sa'yo. Kung may nagmamalasakit, matuto kang magbago.