Banat Mga Single.

Banat Mga Single. Positive mindset 😍

πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚
07/05/2026

πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

πŸ₯±πŸ₯΄
γ‚šviralγ‚·

06/05/2026
05/05/2026

πŸ˜‚πŸ˜‚

Hahah
05/05/2026

Hahah

Bring meπŸ˜…

May kabet is walker πŸ˜‚
05/05/2026

May kabet is walker πŸ˜‚

Hi UV.

Nabasa ko yung post niyo about sa church girl na party girl pala dati. Tapos lahat ng tao readers and si sender galit sakanya. Gusto ko lang i share tong story ko.

I am now 41 years old, dati akong seaman. Seven years ago, kakauwi ko lang ng Pilipinas.
Sa unang linggo syempre masaya. Inuman, reunion, kain sa labas, barkada, kwentuhan. Pero after nun, tahimik na ulit.

Syempre may kanya kanyang buhay mga kaibigan ko.
Ako, nandun lang, tunganga. Walang lovelife kaya walang makausap pag gabi.
Hindi na ako magsisinungaling.
Naghanap ako ng babae.

Yung discreet. Yung may kausap ka lang saglit, tapos set na.
Doon ko siya nakilala.
23 siya noon.

Nung unang nagkita kami grabe hindi ako makapaniwala na may ganong walker, napakaganda, napaka sexy, maputi, maganda yung bukas ng mukha. Parang class a talaga.

Noong una, wala naman akong balak kilalanin siya. Ang nasa isip ko lang makapagrelease tapos ok na.

Pag pasok namin sa hotel non ramdam kong awkward siya kaya kinausap ko muna.
Sobrang inosente, alam mong wala pang masyadong karanasan sa mundo. Pala ngiti tapos magalang at puro po at opo. Hindi rin siya paawa kaya ok kako.

Hanggang sa tinanong ko siya, β€œBakit mo ginagawa ’to?”
Sabi niya, β€œKasi po kailangan.”

Doon nagsimula.
Hindi niya agad kinuwento lahat. Pero unti-unti kong nalaman.
Mahirap sila. May pamilyang umaasa. May mga utang. May mga taong nanakit sa kanya. May mga lalaking dumaan na ginamit lang siya.

Habang nag uusap kami, kahit inamin niya na matagal na siya sa ganong gawain, hindi ko siya nakita na madumi.

Ang nakita ko, pagod.
Pagod na babae na gusto lang makaalis sa buhay na hindi niya naman pinangarap.
Hindi naging madali.

Ilang beses pa kami nagkita, talagang dumating din sa point na lagi ko siyang binoobook para di na mapunta sa iba. (Syempre seaman na walang asawa kaya madami akong pang book.)

May part din naman sa akin na nagduda. May part sa akin na nagtanong, β€œKaya ko ba to tanggapin?”
Pero mas malakas yung sagot sa loob ko.
β€œKung gusto niyang magbago, bakit hindi siya bigyan ng chance?”

Nililigawan ko siya hanggang nag agree kami na mag rent kami ng apartment at umalis na siya sa ganong buhay.

Alam ko nakakatawa.. Seaman na nagmahal ng walker.
Ang pangit pakinggan, di ba?
Pero sa totoo lang, doon ko nakita yung pinaka-totoong babae sa buhay ko.

Walang arte. Walang pagpapanggap. Napakadaling pasayahin. Ang sabi lang niya sakin "Sana totoo yung nararamdaman mo sakin."
At yun yung pinanghawakan ko, yung patunayan sakanya na totoo.

Bago ako sumampa ulit ng barko, nag-usap kami nang seryoso. Sabi ko sakanya eto naman yung chance niya na patunayan niya sakjn na gusto niyang magbago. 6 months ako non sumampa.

Bago ako umalis
Umiyak siya, fisrt time ko siya nakitang umiyak. Dun ko na realize na talagang totoo yung saming dalawa.

Noong umuwi ako ulit same year, ibang babae na yung nakita ko.

Nakita ko na yun babaeng makakasama ko habang buhat. Nabuntis siya pag uwi ko.
Nagpakasal kami.

Marami ang kumontra. Marami ang nagwarning sakin lalo na yung may alam ng background niya. Pero higit sa lahat maarami din ang sumuporta, lalo na yung pari na nagkasal samin.

Ngayon, anim na taon na kami.
May 2 anak na kami. Tahimik buhay namin. Para sakin perfect at masaya. Hanggang ngayon napakababaw ng kaligayahan niya, walang arte sa katawan. At ang bisyo lang mag alaga ng dalawa namin chikiting.

Looking back, kung papipiliin ako, siya padin pipiliin ko. Sinasabi ng mga tao, swerte siya at sinave ko daw siya, pero yung totoo ako yung swerte dahil ako yung niligtas niya sa kalungkutan.

Kaya sa mga lalaking sobrang taas ng tingin sa sarili dahil β€œmalinis” yung hanap nila. Karapatan niyo yan.
Pero sana tandaan niyo rin.
Lahat ng apostles ni Jesus puro makakasalanan. Especially si Mary Magdalene.
At minsan, yung babaeng akala ng mundo hindi na pang-asawa, siya pa yung marunong magmahal nang pinakatotoo.
Siguro kesa magpaka "Holy" ka, baka yung tunay na definition ng holy eh yung pagtanggap sa tao at sa nakaraan nila.

Yun lang po. Please keep me anonymous.

Address

Iloilo City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Banat Mga Single. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share