22/08/2026
𝐓𝐨𝐩 𝟐 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥-𝐋𝐞𝐯𝐞𝐥 𝐌𝐨𝐬𝐭 𝐖𝐚𝐧𝐭𝐞𝐝 𝐏𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐆𝐮𝐢𝐦𝐚𝐫𝐚𝐬, 𝐀𝐫𝐞𝐬𝐭𝐚𝐝𝐨 𝐬𝐚 𝐈𝐥𝐨𝐢𝐥𝐨
ILOILO – Arestado ang isang 48-anyos na lalaki na kabilang sa Top 2 Provincial-Level Most Wanted Persons ng Guimaras sa isinagawang intelligence-driven operation sa Brgy. Palanguia, Pototan, Iloilo, dakong 3:51 ng hapon noong Agosto 20, 2026.
Kinilala ang akusado sa alyas “Edmar,” 48 taong gulang, may asawa, laborer, residente ng Brgy. San Miguel, Jordan, Guimaras, at pansamantalang naninirahan sa Brgy. Palanguia, Pototan, Iloilo.
Naaresto si alyas “Edmar” sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng anim na counts ng R**e sa ilalim ng Article 266-A, Paragraph 1(a) ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng Republic Act No. 8353.
Ang warrant ay inisyu noong Hunyo 9, 2026, ng Regional Trial Court, 6th Judicial Region, Branch 65, Jordan, Guimaras. Walang inirekomendang piyansa para sa mga nasabing kaso.
Isinagawa ang operasyon ng Guimaras Police Provincial Office–Provincial Intelligence Unit (GPPO-PIU) katuwang ang Jordan Municipal Police Station (MPS), Guimaras Mobile Force Platoon (GPMFP), Regional Intelligence Unit–Provincial Intelligence Team (RIU-PIT) Guimaras, at Pototan MPS.
Dinala muna ang akusado sa Pototan MPS para sa booking at kaukulang dokumentasyon. Nakatakda siyang dalhin sa Jordan MPS sa Guimaras bago i-turn over sa korte na may hurisdiksyon sa kanyang mga kaso.
“Ang pagkakaarestong ito ay patunay na walang hangganan ang ating koordinasyon at pagtutulungan sa pagtugis sa mga wanted person. Patuloy nating palalakasin ang intelligence gathering at information sharing upang matunton at maiharap sa hukuman ang mga indibidwal na may pananagutan sa batas,” pahayag ni Police Brigadier General Randulf T Tuaño, Regional Director ng PRO6
“Hinihikayat din natin ang publiko na patuloy na makipagtulungan sa kapulisan sa pamamagitan ng pagbibigay ng anumang impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng mga wanted person. Ang bawat impormasyong ibinabahagi ng ating mga mamamayan ay malaking tulong sa ating pagsisikap na mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa ating mga komunidad,” dagdag pa niya.
Ang matagumpay na operasyong ito ay bahagi ng patuloy na kampanya ng PRO6 laban sa mga wanted person at ng pagpapaigting ng pakikipagtulungan sa komunidad upang matunton at maiharap sa hukuman ang mga indibidwal na may kinakaharap na kaso.
Ang accomplishment na ito ay nakaangkla sa RESPONSIVE, TRUSTED, AND TRANSFORMATIVE POLICING tungo sa mas ligtas at mapayapang Western Visayas, alinsunod sa bisyon ng Philippine National Police na “BAGONG PNP PARA SA BAGONG PILIPINAS: SERBISYONG MABILIS, TAPAT, AT NARARAMDAMAN,” sa ilalim ng pamumuno ni Police General Jose Melencio C Nartatez Jr., Chief, PNP.
(PNP-RPIO6)
#𝗥𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗶𝘃𝗲𝗧𝗿𝘂𝘀𝘁𝗲𝗱𝗧𝗿𝗮𝗻𝘀𝗳𝗼𝗿𝗺𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲𝗣𝗼𝗹𝗶𝗰𝗶𝗻𝗴
#𝗧𝗼𝗦𝗲𝗿𝘃𝗲𝗮𝗻𝗱𝗣𝗿𝗼𝘁𝗲𝗰𝘁
#𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴𝗣𝗡𝗣𝗽𝗮𝗿𝗮𝗦𝗮𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀