02/11/2025
πππππππππ | Hindi Tayo Nag-iisa
Sa bawat pagpikit ko upang matulog, may mga wangis na laging nagpapakitaβmga aninong tila humihingi ng tulong. Hindi ko alam kung saan sila nagmula o kung bakit ako lang ang nakakakita sa kanila. Totoo nga ba sila, o bunga lang ng aking malikot na isip? Naniniwala ba kayo sa ikatlong mataβna sa oras na itoβy magbukas, makikita mo ang mga nilalang na hindi nakikita ng iba? Dahil ako, oo. Pero minsan, tinatanong ko ang sarili koβito baβy isang biyaya, o isang sumpa?
βTulong! Tulong!ββmga sigaw na madalas kong marinig kahit wala naman akong kasama. Ngunit isang gabi, may kumalat na balita sa aming bayan. Marami ang nasawi nang dumaan ang isang trahedyang hindi inaasahanβisang pagguho ng lupa. Maraming natabunan, nalibing nang buhay, dahil sa kapabayaan at mga proyektong ginawa nang madalian. Ang mga ghost project at substandard na materyales ang naging mitsa ng kanilang buhay at naghatid sa kanila sa kamatayan. Ngunit ako lang ang nakakakita ng mga kaluluwang iyonβmga kaluluwang umiiyak, nakatingin sa akin, naghihintay ng hustisya.
Sa bawat daing at hagulgol na naririnig ko, ramdam ko ang bigat ng kanilang hinanakit. Minsan, nararamdaman ko ang malamig na hangin na dumarampi sa aking balat, o ang mga yapak na dumarating kahit walang tao. Sa salamin, minsan ay nakikita ko silang nakatayo sa aking likuranβmga mata nilang walang buhay, nakatitig habang lumuluha, at tila humihiling ng tulong na hindi ko kayang ibigay. At tuwing sinusubukan kong ipikit ang aking mga mata, naroon pa rin sila, mas malinaw, mas malapit, mas desperado.
Huwag mong hayaang linlangin ka ng iba. Tandaan mo, hindi mo kailangang maniwala para maramdaman sila. May mga nilalang na tahimik na nagmamasid, naglalakad sa tabi mo, at minsa ay nagsisilbing gabay sa likod mo. Dahil sa mundong ito hindi tayo nag-iisa.
Isinulat ni Rolly Marcelo
Likhang-sining ni Jaycee Ryll Yanag