23/07/2025
PITONG BAGAY NA HINDI DAPAT SABIHIN SA ASAWA MO KAHIT ITO AY BIRO LANG.
1. WAG MONG SABIHAN NG MATABA ANG ASAWA MO O LAITIN ANG KANYANG ITSURA.
(Matatawa siya siguro pero deep inside sobra siyang nasasaktan at lalong magkakaroon ng insecurities.)
2. WAG MONG IKUKUMPARA ANG LUTO NIYA SA LUTO NG NANAY O TATAY MO.
(Hindi siya nandyan para makipagkompetensya. Nandyan siya para bumuo ng buhay kasama ka. Appreciate his/her effort.)
3. WAG MONG SASABIHIN NA, âKAGAYA KA LANG NG NANAY O TATAY MO.â
(Lalo na kapag galit ka. Atake yun para sa kanya.)
4. WAG MONG SASABIHIN NA, âWALA KA NAMAN GINAGAWA. NANDITO KA LANG SA BAHAY.â
(Napakarami niyang ginagawa sa bahay na hindi mo nakikita.)
5. WAG MO SIYANG SASABIHAN NG âOAâ o âANG DRAMA MO.â
(Nakakapanliit yun ng pagkatao. Subukan mong unawain ang tunay nyang nararamdaman.)
6. WAG MONG SABIHIN NA âIKAW ANG DAPAT MAG ADJUST PALAGI PARA SA KANILAâ. Lalo na sa pamilya mo.
(Iniwan niya ang comfort zone niya para sayo. Wag mong iparamdam sa kanya na isa siyang outsider lalo na sa sarili ninyong bahay.)
7. WAG KANG MAGSASALITA NG KAHIT ANO LABAN SA KANYANG PAMILYA.
(Mahalin mo din sila, o kahit respeto man lang. Siya ang pinaka nasasaktan kapag iniinsulto mo ang pamilya niya.)
Piliin natin ang mga salitang ginagamit natin sa kanila. Maaaring wala lang sayo, pero yun na pala ang sumisira sa kanya lalo na sa relasyon ninyo.