
04/08/2025
Sa araw na ito, aming itinataas ang pinakamataas na pagpupugay sa iyong mahalagang presensya at hindi matatawarang ambag sa Maritime Lenses, gayundin sa iyong tapat at puspusang paglilingkod sa komunidad ng mga Lacsonian.
Nawa’y maging makabuluhan ang iyong kaarawan—hindi lamang bilang paggunita sa araw ng iyong pagsilang, kundi bilang pagsalubong sa isang panibagong yugto ng paglalakbay bilang mahalagang bahagi ng media production team ng ating paaralan.
Ipagdiwang mo ang bawat pitik ng kamera, ang bawat kwento sa likod ng lente—𝐦𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐚𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧 𝐬𝐚’𝐲𝐨, 𝐂𝐲𝐫𝐞𝐥𝐥. Patuloy kang maging liwanag sa likod ng mga eksena.