11/02/2025
Paano Maging Resilient at Magkaroon ng Positive Mindset?
📌Baguhin ang Perspective sa Buhay – Imbes na "Problema na naman," isipin na "Challenge ito na kaya kong lampasan to”.
📌Matuto sa Pagkakamali – Huwag matakot sa pagkakamali, dito natin naiipon yung mga dapat o hindi dapat gawin.
📌Palibutan ang Sarili ng Positibong Tao – Iwasan ang mga negativity, sumama sa mga taong nag-iinspire sa’yo.
📌Magkaroon ng Growth Mindset – Lahat ng bagay ay natutunan, hindi mo kailangang maging perfect agad.Kahit ang mga multimillionaire na tao ngayon sa mundo nag start sila sa wala. Diskarte lang ang baon nila.
📌I-practice ang Gratitude – Araw-araw, isipin ang kahit tatlong bagay na ipinagpapasalamat mo. Maging masaya sa bagay na mayron ka. Makuntento dito.
📌Alagaan ang Sarili – Matulog nang sapat, kumain ng tama, at mag-exercise para sa mental at physical health.
📌Iwasan ang Overthinking – Hindi lahat ng bagay dapat problemahin agad, learn to let go.
📌Gumawa ng Small Wins – Maliliit na tagumpay ay nagpapalakas ng confidence at motivation. Di kailangang mag antay ng malaking win para ito icelebrate, kahit simpleng pagtapos mo sa bagay na dapat gawin ngayon ay isang malaking win na din yun.
📌Maniwala sa Sarili – Kung hindi ikaw, sino pa? Trust your capabilities. Lakasan ang loob, wala naman silang pake sa iyo.
📌Magpahinga at Mag-enjoy – Hindi lang trabaho ang buhay, maglaan ng oras sa mga bagay na nagpapasaya sa’yo.