26/04/2025
Just wanna share what happened last day. Long post ahead. π₯²
From therapy, pauwi na kami ni Ryse sumakay kami ng FX, pero previous therapy ni Ryse nag ggrab kami kaso mahal yung balikan from Newport to Cavite. Yung last 2days nag jeep kami kasi behave na din sya, di na umiyak at para ma exposed din sya sa tao, kaso naisip ko para di sya mapagod nag FX na ko. Yung sinakyan naming FX super dilim sa loob. Hindi ko din naisip na baka ma overwhelmed sya sa masikip at madilim, behave naman sya kaya kampante ako.
Nung may bumaba bandang Baclaran, gusto na ni Ryse bumaba. Sabi ko hindi pa at Heritage pa babaan namin. Ayun nag iyak na sya at saktong pagbaba namin, nag Meltdown sya malala. Sinasabunutan nya ko at kagat. Hindi ko kinaya energy nya 10/10.
I was asking for help sa dumadaan baka pwede sya hawakan, para lang mapakalma kasi hindi ko sya ma i hug dahil nagpupumiglas sya at iniingatan ko yung head nya di mauntog. Unfortunately, hindi ako tinulungan nung tinawag ko. May narinig pa akong baka may saltik yan.
No choice na ako, nilapag ko sya sa kalsada kahit mainit at yung dala kong bag ginawa kong pillow sa kanya. Sinabi ko na " it's okay anak, calm down, mama's here. Ayun kumalma sya, may mga lumapit na saken. Sinabi ko na he's special. Inabutan ako ng tubig, biscuit for Ryse, and ice kasi ang dami ko ng kagat and kalmot. May umasikaso na saken, si Ate na nagbebenta sa kanto at yung isa pang babae. Super thankful ako kay ate. Naiintindihan nya daw ako kasi nakapag alaga na sya ng special kid. Dinala nya pa ako sa maliit na tindahan nya kasi baka daw madiliman si Ryse. Sabi ko babalikan ko sya pag naka recover ako. As in napa iyak ako kasi di ko napigilan yung emotion ko. Buti na lang dumating agad sister ko dahil malapit lang yung Newport to Heritage.
I'm sharing this po for awareness about Autism Spectrum.
ASD is a developmental condition that affects communication, social interaction, and behaviour. Hindi po saltik and hindi ito sakit.
To my Ryse, mahabang journey pa to anak. Hindi ka namin susukuan. Mama & Daddy loves you so much.
ππ§©