27/07/2025
Nung minsang nagkwento ako sa mga tropa kong mga walang pera.
sinabi ko:
“Balang araw, magiging milyonaryo din ako.”
Akala ko matutuwa sila.
Pero sabay sabay silang nagtawanan
“Pangarap mo lang 'yan.”
“Huh? eh magkano lang sahod mo?”
“Libre mangarap, sige lang!”
Napaisip ako.
Bakit ganun?
Pareho lang kaming nangangarap ng mas maganda...
Pero bakit parang ako pa ang mali?
Hanggang isang araw,
nakilala ko ang mga taong nakaangat na sa buhay.
Mga tunay na milyonaryo.
Sinubukan kong sabihin sa kanila ang parehong pangarap:
“Balang araw, magiging milyonaryo din ako.”
Handa akong majudge at pagtawanan..
Pero ibang klaseng sagot ang natanggap ko:
“Good. That’s the mindset.”
“Push mo yan. Kaya mo yan.”
“Kung may pangarap ka, tutulungan ka namin.”
"Gora! Basta maging consistent ka lang!"
Doon ko na-realize:
Ang totoong mayaman, hindi lang sa pera, kundi pati sa pananaw.
Yung walang-wala, sila pa yung unang bumabagsak ng pangarap ng iba.
Yung may narating na, sila pa yung nagsusupport.
Minsan, hindi pera ang nagpapabigat sayo...
kundi yung mga taong pinili mong makasama.
Kaya kung seryoso ka sa pangarap mo..
hanapin mo ang mga taong hindi tatawanan ang pangarap mo.
Yung tutulungan ka pa para matupad yon.
Piliin mo ang circle mo.
Dahil minsan, ang kaunting support lang,
pwede na maging simula ng isang milyon.
CTTO