23/11/2025
hi sidi please hide my identity, if rehabilitation is not an option then what is the best solution? Di naman kami ganon ka yaman dati pero di kami naghihirap sa buhay dahil may bussiness yung parents ko sa lupa, kumbaga land owner sila tas tinataniman nila to ng palay, malaki laki din yung lupa earning 700k a year, nagstart yung kalbaryo namin nung namatay yung mother ko, dun na nalulong father ko sa sugal, karamihan sa mga lupa niya nabenta niya pati yung mga alahas halos lahat nasimot, wala kaming choice kaming anak niya kung hindi magtrabaho para maka survive, yung pangalawang bahay sana namin balak niya pa ibenta, di narin siya bumibili ng foods pati kuryente di narin siiya nagbabayad, kaming magkakapatid nalang yung nagbabayad, ang sakit lang sa feeling na ang laki ng downfall ng family namin sa punyetang sugal andaming nasirang pangarap yung isa kong kuya hindi na nakapag aral dahil sa financial, hanggang ngnayon buhay pa siya and tuloy parin siya sa pagsusugal, halos araw araw nalang yung sigawan pati pagseseroman namin sakanya pero wala pa din gusto ko na maka graduate para malayasan ko na siya (edited)