03/04/2026
Maligayang kaarawan sa aking asawa!
Tunay ngang napakabuti ng Panginoon sa buhay na ibinigay Niya sa atin. Salamat sa pagiging katuwang ko sa lahat - sa bawat paglalakbay, pagsubok, at sa pananampalataya sa Panginoon. Mas nagiging makabuluhan, masaya, at maganda ang lahat ng bagay kasama ka lalo't ngayon at nasa Panginoon tayo.
Lubos akong nagpapasalamat sa Panginoon sa pagmamahal mo, sa buhay mo, at sa kabutihan ng puso mo. Pangako ko na patuloy kitang mamahalin, susuportahan, at sasamahan sa pagbuo pa ng mas maraming alaala natin.
Para sa mas marami pang camping, tawanan, at pangarap na sabay nating maaabot kasama si Lord. Mahal na mahal ka namin ng mga bata, ngayon at magpakailanman.
Happy Birthday ulit, Mahal!