
06/01/2025
💠 PALITAW SA LATIK RECIPE 💠
Para sa latik:
1 cup coconut cream (kakang gata)
Para sa palitaw:
2 cup glutinous rice flour (malagkit powder)
3/4 cup water
Para sa latik sauce:
2 cups thin coconut milk
3/4 cup brown sugar
1/2 teaspoon salt
1/2 cup hinog na langka (optional)
1/2 teaspoon vanilla (optional) o dahon ng pandan
Sesame seeds (optional)
PROCEDURE:
PARA SA LATIK:
Lutuin ang coconut cream sa medium heat hanggang sa magbuo-buo. Lutuin ng tuloy tuloy at haluin hanggang sa lumabas ang mantika nito at maging brown yung latik. Salain ang nabuong latik at itabi.
PARA SA PALITAW:
Pagsamahin ang glutinous rice flour at water. Masahin hanggang sa maging sticky at smooth (hindi basa pero di rin naman dry, sakto lang para mahawakan) Kumuha ng dough at iporma na pabilog, saka palaparin para makabuo ng palitaw. Gawin ito sa lahat ng mixture. Then, magpakulo ng tubig. Ihulog ang mga napormang dough. Kapag lumitaw na ito (kaya nga palitaw) ibig sabihin ay luto na ito. Alisin na sa tubig at itabi muna.
PARA NAMAN SA LATIK SAUCE:
Pagsamahin ang coconut milk, salt at sugar. Lutuin sa medium heat at hayaang kumulo. Pag kumukulo na, ilagay na ang mga nalutong palitaw at latik. Pwede rin maglagay ng hinog na langka at dahon ng pandan. Lutuin ito hanggang sa lumapot ang sauce.
゚