31/07/2026
๐๐จ๐ง๐ ๐๐จ๐ง๐ ๐๐ข๐ฌ๐ง๐๐ฒ๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ฉ๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ค๐ฌโผ๏ธโผ๏ธโผ๏ธ
5 times na kameng nakapag HK Disneyland and yung unang tatlong punta namen ay hindi masyadong perfect. Dun sa 4th and 5th lang kame naging chill kase nalearn na namen yung iba dun sa unang tatlo kaya mas smooth lang ngayon.
โข Kung ang goal nyo kaya kayo kumuha ng Early Park Entry Pass (pwede kayong pumasok sa Disneyland ng 1 hour earlier before the gates open at 10am) is para makapagpa-picture ng wala masyadong crowd sa may castle, wag. Sayang ang binayaran nyo. The best way para masulit ang 1 hour earlier advantage nyo sa Disneyland ay pumunta na agad sa mga heavy favorites like yung dalawang rides ng World of Frozen na Frozen Ever After (boat ride) and yung Wandering Oakenโs Sliding Sleighs (roller coaster ride). Sobrang haba ng pila jan lage, lalo na pag nagbukas na yung gate sa public at 10am. No, hindi pa open ang Big Grizzly Mountain Runaway Mine Cars ng 9am, 11am pa sya nag o-open.
โข So kung gusto nyong magpicture sa tapat ng castle ng wala masyadong tao, punta kayo ng mga lunch time, 12nn to 1pm. Halos lahat, nasa restaurant yan sila. Etong picture namen was taken around 1pm.
โข Kung papipiliin ako between Early Park Entry Pass or Disney Premier Access, yung DPA ang pipiliin ko. Ang laking bagay na may priority access kayo sa mga rides kase mas marami pa kayong magagawa bukod sa pumila ng matagal. Pwede kayong pumili ng may DPA sa Klook na 3 rides and 8 rides. Piliin nyo na yung 8 rides para sulit. Etong 8 rides na to na may priority access kayo ay:
(1) Big Grizzly Mountain Runaway Mine Cars*
(2) Mystic Manor*
(3) Hyperspace Mountain
(4) Mickey's PhilharMagic
(5) Iron Man Experience - Presented by AlA*
(6) Ant-Man and The Wasp: Nano Battle!*
(7) "it's a small world"*
(8) Frozen Ever After
Kung priority access lang sa 3 rides ang pipiliin nyo, tatlo lang dun sa limang may asterisk sa taas ang mga options nyo. Go for Grizzly, Mystic Manor and Itโs a Small World.
โข Nagawan ko na to ng content pero sasabihin ko ulit. Dalawa ang arko sa Disneyland, yung arko kung san tayo nagpapapicture. Isang malapit sa MTR station kung saan yun agad ang unang makikita nyo at yung isa naman ay sa kabilang dulo malapit sa Disneyland Hotel. Kung gusto nyo talaga ng halos walang tao at masolo nyo yung moment, dun kayo sa kabilang dulo pumunta. Mejo malayo pero worth it.
โข Pero kung gusto nyo talaga dun sa unang arko, punta kayo ng mga pahapon. 3-5pm, wala na masyadong tao.
โข Kung gusto nyo maka meet and greet sa mga Disney characters, para sa mga Disney princesses nandon sila sa may castle, yung pila nandon sa bandang kanan. Hindi ako sure pero naiiba iba yung mga characters sa may Adventureland, before Zootopia, tas yung recent nameng punta Coco. Para naman sa Inside Out Characters, nandon sila sa Tomorrowland Station katabi ng Hyperspace Mountain. Yung kay Ironman naman, dun malapit sa may IronMan experience. At kung Toy Story characters naman, nandon sila sa Toy Story Land.
โข Yung tungkol sa pagkain sa loob, may post na rin ako about jan. https://www.facebook.com/share/p/1NvDgk3xx1/?mibextid=wwXIfr
โข Yung tungkol naman sa mga Disney hotels, may post na rin ako about jan. https://www.facebook.com/share/p/1HzsuGZ8QT/?mibextid=wwXIfr
โข Yung mga heavy favorites like Grizzly, Hyperspace, Mystic Manor, Frozen Eve After at iba pang rides, kumokonti ang pila nyan pag mga 7pm onwards na. Baket? Kase yung iba nag aabang na ng Momentous kahit 8:15pm pa yung start. Take advantage of this. Yung 4th nameng punta, at 7pm nakapag Frozen Ever After, Wandering Oakenโs Sliding Sleighs, Mystic Manor at Big Grizzly Mountain Runaway Mine Cars pa kame. At natapos namen lahat before 8pm.
โข 5 times na kameng nakapag HKDL at 5 times na rin kameng nakanood ng Momentous sa different area. Isang beses sa VIP, yung pinaka unahan, pangalawa yung sa may round na garden sa bandang gitna, pangatlo sa gilid malapit sa Tomorrowland, pang apat sa likod malapit sa Cinderella Carousel at yung pinakahuli sa may Main Street. Unpopular opinion, pero sa Main Street talaga ang pinaka the best. Malayo sya sa mismong castle oo, pero kitang kita mo yung kabuuan ng fireworks. And ganon naman talaga diba? Yung mga fireworks are meant to be watched and admired from afar.
โข At hindi nyo kailangang magreserve as early as 6pm ng spot para lang sa Momentous. Sayang ang oras huhu. Sayang ang oras na sana nakatry pa kayo ng ibang rides. Again, kahit mga 8pm na kayo pumunta sa may Main Street, maganda pa rin ang magiging pwesto nyo. Check nyo yung huli kong upload ng Momentous, sa Main Street yon at 8pm na kame pumunta don para sakto lang sa start ng Momentous at 8:15pm. Also, mas malapit na kayo sa exit hehe. Di na kailangang makipag puksaan sa crowd pag pauwi na.
Kung may mga tanong pa kayo, pwede kayo mag comment dito or mag message sa page. Para sa Disneyland tickets, hotels at kung ano-ano pa, sa Klook na kayo magbook, use our kowd ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ para maka deeskawnt kayo or pwede rin sa Agoda, use ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ for hotels and ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ naman for activities.
Enjoy! ๐ก๐ก๐ก