18/06/2025
๐๐ฎ๐น๐ถ๐ธ ๐๐๐ธ๐๐ฒ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ง๐ฎ๐ฏ๐๐ธ ๐๐ถ๐๐ ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐ถ๐ด๐ต ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐นโ ๐ฆ๐๐บ๐ถ๐ฝ๐ฎ ๐ก๐ฎ!
Sinimulan na ng TCNHS ang unang araw ng pagbubukas ng klase na pingunahan ng seremonya ng watawat sa school oval, noong lunes.
Batay sa pinakahuling datos mula sa mga kurikulum ng paaralan, may kabuoang 3,736 na mag-aaral ang pumasok sa unang araw ng pagbabalik-eskwela: 611 sa baitang 7, 420 sa baitang 8, 530 sa baitang 9, 537 sa baitang 10, 774 sa baitang 11, at 864 sa baitang 12.
Malugod namang tinanggap ng ni Ginoong Joselito B. Cabello, punungg**o ng paaralan, ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng maikling mensahe matapos ang flag ceremony.
Nagbahagi din si Assistant Principal Gng. Dorothy A. Pacia, ng mga motibasyon, payo, at mahahalagang paalala tungkol sa mga patakaran ng paaralan, gaya ng mahigpit na pagbabawal sa late na pagpasok, wastong pagsusuot ng uniporme, maayos na gupit at hitsura, at pagbawal ng momma, alak at sigarilyo sa paaralan.
Sa kani-kaniyang silid-aralan, nagsagawa rin ang mga g**o at mag-aaral ng mga gawain tulad ng "Introduce Yourself", pagtalakay sa mga polisiya ng paaralan, at classroom rules.
Bukod dito, may inihanda rin ang Supreme Secondary Learner Government at Peer Support Group na mga booth para sa mga mag-aaral bilang bahagi ng kanilang mainit na pagtanggap sa mag-aaral.
Samantala, inaasahang lalo pang madaragdagan ang bilang ng mga papasok na mag-aaral sa mga susunod na araw.
โ๏ธ๐บ๐๐๐ ๐ธ๐๐๐ ๐ณ๐๐๐๐๐๐ข
DepEd Tayo Tabuk City National High School
TCNHS Special Program in Journalism