26/01/2024
You will look prettier kapag maganda ang hair mo lalo na kapag nkakasabay ka sa mga trending hair fashion ngayon, pero bakit nga ba mahal ang mag pa fashion color? Tulad ng balayage, ash siler ash pekaboo, foilayage, pastel etc., isa isahin natin ang mga dahilan.
1. Pinaka una sa lahat ay ang bleaching procedure, marami dapat ang i consider bago magstart ng bleaching procedure hndi ung basta ka nalang magbbleach ng hair mo. Una na dito ay ang hair history ng client, kung nagblackening ba sya ng hair, rebonded, may previous color or super damage na ng hair. Syempre need natin cguraduhin na magging ok ang resulta ng pagbbleach, hndi ung lalo pang massira ang hair or worst ay masunog at magputol putol.
2. Sunod ang TONING, ginagawa ito lalo na kapag gusto ni client na mas ma lift pa ang blonde at kapag nsa shade ng ash ang gusto maachieve na fashion color, tinatanggal nito ang pagging brassiness, yellow or orange tone ng hair pra mas maging plakado kpag mag bbase color na. Mahal po ang gjnagamit na pang toning kapag sa salon gagawin kesa sa mga nabbiling pang DIY sa market.
3. Sunod ay ang magging BASE COLOR either 1 coating or 2 coating depende sa fashion color na gusto maachieve ni client.
4. Sunod ay ang color correction kung may mga part na hndi even ang kulay hndi pantay sa the rest ng hair or may part na hilaw ang pagkaka develop ng color.
5. Hair treatment, iapply ang gamot ibababad ibblower at paplanchhin kung kinakailangan, yes kailangan itreatment dahil dumaaan sa damaging na proseso kung walang treatment hndi mapprevent ang ang damage, super dry at matigas ang hair.
6. Lastly ang TRIM AND STYLING para mad mabigyan ng justice at mas lumabas ang ganda ng fashion color. Para mas masulit mo ang ganda nito mkapag selfie at palit ng DP sa mga social media accounts mo sissy...
NOTE: pwede kayong mag DIY yes karapatan nyo yan pero make sure na may sapat kayong kaalaman at skills para gawin yan ng maiwasan ang disaster sa hair mo, walang masamang magtipid pero bka sa sobrang pagttipid lalo masira hair mo mas mapapagastos ka pa sa pagpapaayos.Kaya pls lang wag nyo kami masyado binabarat at sobrang mabusisi at matrabaho po yan gawin.
Hndi po ito copy paste lang, yan po mismo ang procedure ko kpag nagffashion color aq sa mga clients ko💋