14/12/2023
UMARAW O UMULAN, TULOY ANG WELGA
Umiyak din ang langit kasabay ng welga ng mga mamamayan kanina, Disyembre 14, 2023, sa tapat ng LTFRB sa East Avenue, Lungsod Quezon. Ayon sa datos ng PISTON, aabot sa 60,000 at 9,000 na tsuper ng dyip at ng van ang hindi na makakabiyahe sa pagpasok ng taon kung itutuloy ang deadline ng franchise consolidation sa Disyembre 31, 2023.
Magpapasko ang karamihan sa’tin na walang iniisip at magbabagong taon na masaya. Habang sila naman ay paos na kakasigaw sa langsangan para lang ipaglaban ang kanilang karapatang maghanap-buhay.
📸: Mga Kuha ni Bert