
13/08/2024
Naalala kong muli...
Katulad ng manikang ito ganyan ko pinili ang kulay ng buhay ko,
Katulad ng manikang ito ganyan ko pinili na lungkot ang maramdaman ko,
Katulad ng manikang ito ganyan ko pinili na piliting ayusin ang sarili ko,
Katulad ng manikang ito ganyan ko pinili na itali ang sarili ko sa mga bagay na akala ko ay tama ako,
dahil akala ko tulad ng manikang ito astig ako at lahat ay kaya ko!
Pero salamat sa Diyos, Siya ay mabuti hindi Niya hinayaan na manatili ako sa mga pinili ko, kundi pinili Niya ako at inalis sa buhay ng dating ako.