02/06/2026
Magandang hapon po sa lahat. Unang una maraming salamat po kila nanay, tatay at kuya mike sa pag tulong sa amin ni Jonathan sila na po gumawa ng paraan para kay Nadleeh simula ma ospital siya, transplant hangang eto last na admit niya. Kila Mama elsa, Ate buding, Kuya bok, Tita Issay maraming salamat po palagi kayo anjan para kay Nadleeh. Sobrang daming nag mamahal kay nadleeh maraming salamat po sa lahat ng tumulong at naging part ng journey ni Nadleeh lalo na sa mga blood donor, doctors, nurses, clerk, Kapitan Joseph, Konsi Marvin at sa ibang patuloy na natulong sa kanya katulad ng mga for a cause. Maraming salamat din po sa family ng aking asawa. Masaya na po si nadleeh wala na pong sakit na nararamdaman, wala na po tusok, wala na po salin ng dugo. 2 taon din po siya nakipag laban sa kanyang sakit na Fanconi Anemia.
Hindi po ito magiging madali para sa amin pero alam ko po binabantayan po kami lagi ni Nadleeh. We love you and miss you nadleeh. Mas malaki na ang playground mo jan ❤️🩹🪽
-mommy rina signing off 🌻