27/01/2022
Ang budget meal bow
Hindi lahat ng mahal na presyo ay maganda ang puppy na binebenta at hindi din lahat ng mura ay panget ang puppy na binebenta... 🤣🐶
Tip no 1. Kung bibili kayo siguraduhin nyo may extra budget kayo para sa food and maintenance nila (veterinary care) dahil hndi mura ang mga dog food, vitamins at pa vet nila at mga bakuna, deworm saka hospital bills ...
Tip no 2. Napaka hirap para sa mga newbie malaman ang quality at hindi.
Akala nila pag mahal na binebenta tuta magaganda na. yung ibang breeder mapag samantala puro sabi ng quality pag tingin mo ng itsura mapapa nyaw ka nlng (baka isa na ako dun 🤣🤣🤣)
Tip no 3. I check nyo lagi dam and sire ng mga bibilihin nyo. Dun kayo mag base sa itsura ng nabili nyo tuta pag laki walang ibang pag mamanahan yan kung hindi sa nanay at tatay (pwera na lng baka nasalisihan ng kapitbahay🤣)
Tip no 4. Nasa genes nakasalalay ang itsura ng mgiging alaga nyo kung maganda genes o pinang galingan ng puppy na nakuha nyo magiging maayos yan pag laki. Wag nyo i kumpara kinakain ng a*o nyo sa iba na premium dog food na mainggit ka bibili ka din para sa a*o mo. Kahit ano bigay mo dyan na supplements kung maninipis tlga yan manipis na yan.
Tip no 5. Double check nyo lagi ung breeder kung legit ba tlga sya baka kaka tipid nyo madala pa yung iniipit nyo na pera sayang din yun.
Eto pinka importante sa lahat
Hindi ko sinasabi maganda ang mga alaga ko, pero magaganda sila para sa paningin ko.
Na share ko lng ang naisip ko. Hindi ko kailangan ng ka away dito 😈😈😈
Cheers mga ka a*o. Huwag maging ugaling a*o