25/08/2025
Mga estudyante, binatikos ang bagong polisiya ng CvSU sa function halls
Umani ng sari-saring reaksyon mula sa mga mag-aaral ng Cavite State University (CvSU) ang bagong polisiya ng administrasyon hinggil sa paggamit ng function halls, na nagpapataw ng singil na P1,000 hanggang P3,500 para sa International House, Rolle Hall, at International Convention Center, epektibo nitong Agosto 1, 2025.
Ipinahayag ng isang estudyante ang kaniyang pagkadismaya dahil ani niya, itinayo ang mga function halls ng unibersidad upang makatulong at makapagbigay suporta sa mga proyekto at aktibidad ng mga organisasyon, at hindi para pagkakitaan.
Giit pa ng iba, sa halip na makatulong at magbigay ng suporta, naging dagdag pasanin pa sa mga estudyante ang naturang polisiya.
Ayon naman kay CSG Committee on Finance Senator Gerald Ambata, hindi ito ang naunang kaso kundi bahagi ng mga patakarang nagpapakita ng umanoโy lumalalang komersyalisasyon sa unibersidad.
Batay sa Board Resolution No. 33, s. 2025, may dagdag singil din gaya ng P1,000 deposito para sa waste management, P1,000 external catering fee, at P130 kada oras na overtime pay ng staff.
Nakasaad din sa resolusyon na ang pagrereserba ay dapat gawin isa hanggang tatlong buwan bago ang aktibidad at kumpirmahin o kanselahin pitong (7) araw bago ang nakatakdang petsa. | via Danica Belocora, JGTV