Sentro Pilipinas

Sentro Pilipinas Sentro Pilipinas, Cavite State University's pioneering online newscast, delivers trustworthy news

30/11/2025

TRILLION PESO MARCH

Nagtipon ang mga kabataan, manggagawa, at faith-based groups sa EDSA People Power Monument ngayong Nobyembre 30 para sa Trillion Peso March na naglalayong manawagan ng linaw, pananagutan, at reporma sa paggastos ng pondo ng bayan.

Ulat ni: Zoe Estiller | Videographer: Hans Del Rosario | Sentro Pilipinas

30/11/2025

'LUPA PARA SA MGA TAGA-MAYNILA'

Muling nakiisa sa kilos-protesta ang tinaguriang "Fishball Warrior" na si Alvin Karingal sa Trillion Peso March ngayong Nobyembre 30, sa kabila ng sinapit nito sa nagdaang anti-corruption rally noong Setyembre 21 kung saan siya ay inaresto nang walang warrant-of-arrest at nakulong ng mahigit isang linggo dahil sa pagkakasangkot sa naganap na riot. | via Ralph Liza, Rhoannie Auro, Sentro Pilipinas

BAHAGHARI SA EDSALumitaw ang bahaghari sa People Power Monument bandang 4:30 ng hapon habang nagpapatuloy ang Trillion P...
30/11/2025

BAHAGHARI SA EDSA

Lumitaw ang bahaghari sa People Power Monument bandang 4:30 ng hapon habang nagpapatuloy ang Trillion Peso March. | via Zoe Estiller, Sentro Pilipinas

30/11/2025

PANOORIN: Dumarami pa rin ang mga lumalahok sa Trillion Peso March sa EDSA People Power Monument bandang alas-3 ng hapon.

Sa kasalukuyan, nasa Part 4 na ang programa kung saan tampok sa 'Performances for Change' ang mga pagtatanghal at mensahe ng pakikiisa mula sa kabataan at iba’t ibang sektor. | via Zoe Estiller, Sentro Pilipinas

Namataan si DILG Secretary Jonvic Remulla sa Recto kung saan kasalukuyang nagaganap ang protesta upang subaybayan ang ka...
30/11/2025

Namataan si DILG Secretary Jonvic Remulla sa Recto kung saan kasalukuyang nagaganap ang protesta upang subaybayan ang kalagayan ng rally dito. | via Ralph Liza, Sentro Pilipinas

30/11/2025

Winasak ng mga raliyista ang effigy ni President Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte habang isinisigaw ang panawagan laban sa korapsyon.

Isinagawa sa Recto ang programa na dapat ay sa Mendiola dahil hinarangan na ng pulisya ang naturang daan. | via Ralph Liza, Sentro Pilipinas

30/11/2025

Napahinto ang mga raliyista sa kalagitnaan ng kanilang kilos-protesta patungong Mendiola matapos barikadahan ng kapulisan ang daan sa Recto. | via Ralph Liza, Jhade Lalisan, Sentro Pilipinas

Inihinto ng isang hotel ang kanilang operasyon ngayong araw upang iwasan ang pagdaan ng mga raliyistang papuntang Mendio...
30/11/2025

Inihinto ng isang hotel ang kanilang operasyon ngayong araw upang iwasan ang pagdaan ng mga raliyistang papuntang Mendiola.

Matatandaan na pinasok ng mga nagriot ang establisyimentong ito noong Setyembre 21. | via Ralph Liza, Sentro Pilipinas

30/11/2025

Nagsimula na ang martsa ng mga raliyista patungong Mendiola matapos ang programang ginanap sa Luneta.

Karugtong pa rin ito ng Baha sa Luneta 2.0 at ng Trillion Peso March na panawagan kontra korapsyon. | via Ralph Liza, Sentro Pilipinas

30/11/2025

Humanay ang mga raliyista sa intersection ng Roxas Boulevard at Bonifacio drive bilang paghahanda sa martsa papuntang Mendiola matapos ang programa sa Luneta. | via Ralph Liza, Sentro Pilipinas

Nag-alay ng pagtatanghal ang ilang mga grupo at indibidwal bilang pakikiisa sa panawagan laban sa korapsyon dito sa Lune...
30/11/2025

Nag-alay ng pagtatanghal ang ilang mga grupo at indibidwal bilang pakikiisa sa panawagan laban sa korapsyon dito sa Luneta. | via Ralph Liza, Sentro Pilipinas

Unti-unti nang dumadagsa ang mga nais sumama sa kilos-protesta laban sa korapsyon ngayong alas-10 ng umaga rito sa Baha ...
30/11/2025

Unti-unti nang dumadagsa ang mga nais sumama sa kilos-protesta laban sa korapsyon ngayong alas-10 ng umaga rito sa Baha sa Luneta 2.0. | via Ralph Liza, Sentro Pilipinas

Address

Cavite State University
Indang
4122

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sentro Pilipinas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Sentro Pilipinas:

Share