DZSU Radyo Kabitenyo

DZSU Radyo Kabitenyo Para sa mas pinalawak at mas pinalakas na pagbabalita.

WALANG PASOK | Suspendido ang klase sa lahat ng antas bukas, Hulyo 18, sa buong lalawigan ng Cavite dahil sa malakas na ...
17/07/2025

WALANG PASOK | Suspendido ang klase sa lahat ng antas bukas, Hulyo 18, sa buong lalawigan ng Cavite dahil sa malakas na pag-ulan na dala ng Bagyong .

Source: Gov. Abeng Remulla

TINGNAN: Naitala ng PHIVOLCS ang isang minor phreatic eruption sa Taal Main Crater kanina mula 3:01 hanggang 3:13 PM, Hu...
17/07/2025

TINGNAN: Naitala ng PHIVOLCS ang isang minor phreatic eruption sa Taal Main Crater kanina mula 3:01 hanggang 3:13 PM, Hulyo 17.

Ayon sa abiso ng Office of Civil Defense CALABARZON, nananatili pa rin sa Alert Level 1 (Low Level Unrest) ang bulkan.

Pinaaalalahanan din ang publiko sa maaaring epekto ng inilalabas na gas nito sa paligid, maging ang mahigpit na pagbawal sa pagpunta sa Taal Volcano Island para maiwasan ang dala nitong panganib.

(Photo Courtesy: PHIVOLCS/Facebook)

16/06/2025

HIYAW EXHIBIT | LENTE NG KATOTOHANAN, SIGAW NG BAYAN, PHOTO EXHIBIT “HIYAW” INILUNSAD SA CvSU

Alamin ang mga kaganapan sa isinagawang photo exhibit ng mga 2nd year Journalism Students na may temang “Hiyaw: Hinaing ng Pilipinong Uhaw” sa pagtutok ni Daniel Amosco.


HIYAW | Pormal nang binuksan sa pamamagitan ng isang ribbon-cutting ceremony ang photojournalism exhibit na pinamagatang...
11/06/2025

HIYAW | Pormal nang binuksan sa pamamagitan ng isang ribbon-cutting ceremony ang photojournalism exhibit na pinamagatang “HIYAW: Hinaing ng mga Pilipinong Uhaw” ngayong ika-11 ng Hunyo sa SM Rolle Hall, Cavite State University – Don Severino de las Alas Campus.

Tampok sa nasabing exhibit ang mga kuhang larawan ng mga estudyante-mamamahayag mula sa ikalawang taon ng Bachelor of Arts in Journalism na naglalayong itampok ang mga suliranin, hinagpis, at pakikibaka ng mga Pilipinong nasa laylayan ng lipunan. | via Diane Perez, James Dolor, Daniel Amosco


CALL FOR DONATIONS | Humihingi ng tulong si Jamaica B. Dela Cruz mula sa Bachelor of Arts in Journalism para makalikom n...
07/06/2025

CALL FOR DONATIONS | Humihingi ng tulong si Jamaica B. Dela Cruz mula sa Bachelor of Arts in Journalism para makalikom ng pondo para sa kanyang kapatid na na-ospital mula noong Martes.

Tinatayang aabot sa P200,000 ang halaga ng kanyang medical procedures, bukod pa sa gamot at sa mga bayarin para sa pananatili sa nasabing ospital.

Para sa mga nais magpa-abot ng donasyon o tulong, maaaring basahin ang Facebook post ng The Kabsu Times para sa buong detalye.

📢 Urgent Assistance Needed

Jamaica Anne B. Dela Cruz, a BA Journalism 3-1 student, is raising funds for her brother, Mark Joshua B. Dela Cruz, who is currently admitted at De La Salle University Medical Center in Dasmariñas due to serious health complications. His medical procedures have been estimated to reach ₱200,000, excluding the other needed medicines and their running bill for their stay in the hospital.

📱 GCash donations may be sent to:
0967 519 0043 – Jamaica Anne B. Dela Cruz

Any amount of help is deeply appreciated by their family.

📎 For transparency, running bills are posted in the comments.

30/05/2025

SPECIAL COVERAGE | CASKASEROS, KAMPEON SA LIVE BAND COMPETITION; STRASUC SA ROMBLON, NAKAMIT

Pasok sa Southern Tagalog Regional Association of State Universities and Colleges Olympics (STRASUC) ang bandang Caskaseros matapos masungkit ang unang pwesto sa Live Band Competition ng Culture and the Arts Festival 2025 kamakailan, sa pagtutok ni Hans Del Rosario.

30/05/2025

SPECIAL COVERAGE | KABSUHENYO, NAGBIGAY-KULAY SA VISUAL ARTS COMPETITION

Bida ang talento ng mga Kabsuhenyo sa pagguhit, pagpinta, at pagkuha ng mga litrato sa ginanap na kompetisyon ng Visual Arts ng Culture and the Arts Festival 2025, alamin ang buong detalye sa pag-uulat ni Hannah Almadrigo.

30/05/2025

SPECIAL COVERAGE | IBA'T IBANG DELEGADO NG SHORT AND SWEET PLAY, NAGPAMALAS NG GALING NGAYONG CAF 2025

Tampok ang makukulay at matatapang na pagtatanghal ng mga kalahok ng Short and Sweet Play sa Culture and the Arts Festival 2025, ang buong detalye sa pagtutok ni Clark Villanueva.

30/05/2025

SPECIAL COVERAGE | MUSIKA AT TALENTO, IPINAMALAS NG MGA INSTRUMENTALISTS PARA SA CAF 2025

Dala ang mga talento ng mga kalahok ng Instrumental Solo, matagumpay na naganap ang kompetisyon para sa Culture and the Arts Festival 2025 ng Cavite State University, ang buong detalye sa pag-uulat ni Jhezca Brigola.

30/05/2025

SPECIAL COVERAGE | MGA NAGWAGI SA TOP 5 NG RADIO DRAMA COMPETITION NGAYONG CAF 2025, KILALANIN

Nagpakitang-gilas ang mga kalahok ng Radio Drama mula sa iba't ibang kolehiyo at satellite campuses ng Cavite State University nitong Miyerkules para sa Culture and the Arts Festival 2025, alamin ang buong detalye sa pagtutok ni Frances Agbayani.

30/05/2025

SPECIAL COVERAGE | CEMDS, CAS, IMUS, WAGI SA MUSIC COMPETITION

Nagtagisan sa galing at husay ang mga kalahok ng Pop solo, Vocal Duet at Vocal Solo: Kundiman sa katatapos lamang na Culture and the Arts Festival 2025, ang buong detalye sa pagtutok ni Louisse Samson.


30/05/2025

SPECIAL COVERAGE | CvSU IMUS, CvSU DANCE TROUPE, BUMIDA SA DANCE COMPETITION NG CAF 2025

Alamin ang mga kaganapan sa kategorya ng Hiphop Street Dance, Contemporary Dance, at Folk Dance sa pagtutok ni Shannon Honrales.


Adres

Philippine

Website

Meldingen

Wees de eerste die het weet en laat ons u een e-mail sturen wanneer DZSU Radyo Kabitenyo nieuws en promoties plaatst. Uw e-mailadres wordt niet voor andere doeleinden gebruikt en u kunt zich op elk gewenst moment afmelden.

Delen