The Gazette-CvSU Main Campus

The Gazette-CvSU Main Campus The Gazette, The Official Student Publication Unit of Cavite State University - Main Campus.
(1)

Dugo ng bayani’y idinilig sa lupaUpang ang dilim ng paghihikahos ay matapos naWalang saysay ang parangal kung nananahimi...
25/08/2025

Dugo ng bayani’y idinilig sa lupa
Upang ang dilim ng paghihikahos ay matapos na
Walang saysay ang parangal kung nananahimik tayo
Sundan ang yapak nila, ang laban ay 'di pa naglalaho.



Ngayong araw ay sariwain natin ang dugo’t pawis ng mga bayani na nag-alay ng buhay para sa bayan. Ngunit hindi sapat ang paggunita upang ipamalas ang ating paglaban para sa sistemang tinatabunan ang boses ng masa.

Hindi katahimikan ang sagot sa patuloy na pagsugat sa inang bayan. Ang laban ng ating mga bayani ay higit pa sa alaala at pangako; ang apoy na kanilang sinindihan ay patuloy na maglalagablab at hindi kailanman maaapula. [G]

TINGNAN: Nakamit ng Cavite State University - Main Campus ang ika-anim na pwesto sa pinakamahusay na pamantasan matapos ...
21/08/2025

TINGNAN: Nakamit ng Cavite State University - Main Campus ang ika-anim na pwesto sa pinakamahusay na pamantasan matapos magtala ng 93.75 porsyento sa 2025 Medical Technologist Licensure Examination, Agosto 12-13.

Dagdag pa rito, binubuo ang 75 na nagtagumpay ng 73 na first time takers at dalawang repeater.

Ayon sa Professional Regulation Commission, nasa 77.54 porsyento ang national passing rate o 3,360 mula sa 4,720 na mga sumubok. [G]

ni Ruby Rose Bagaporo

Sanggunian: Professional Regulation Commission

“A minute of heroism is better than decades of useless life” - Benigno "Ninoy" Aquino Jr.Sa araw na ito, apatnapu’t dala...
21/08/2025

“A minute of heroism is better than decades of useless life” - Benigno "Ninoy" Aquino Jr.

Sa araw na ito, apatnapu’t dalawang taon na ang nakaraan nang mamatay ang dating senador at matinik na kritiko ng diktadurang Marcos na si Benigno Simeon Aquino Jr. noong ika-21 ng Agosto, taong 1983.

Alalahanin natin ang araw kung saan naging ningas ang kaniyang kasawian sa pagpapatuloy ng buhay ng pakikibaka tungo sa demokrasya at karapatang politikal para sa mga Pilipino. [G]

TINGNAN: Nagtala ng 51.61 porsyento na kabuuang marka ang Cavite State University - Main Campus sa Food Technologist Lic...
16/08/2025

TINGNAN: Nagtala ng 51.61 porsyento na kabuuang marka ang Cavite State University - Main Campus sa Food Technologist Licensure Examination kung saan 16 na nagtapos sa unibersidad ang pumasa mula sa kabuuang 31 na kumuha ng pagsusulit, Agosto 14-15.

Batay sa Professional Regulation Commission, nagkamit ang bansa ng 62.94 porsyentong antas ng pagpasa o 586 mula sa 931 na sumailalim sa eksaminasyon ang pumasa. [G]

ni Emmanuel B. Gata

Sanggunian: Professional Regulation Comission

TINGNAN: Nagtipon-tipon ang mga first-year student, transferee, kanilang mga magulang at guardian sa unang araw ng orien...
12/08/2025

TINGNAN: Nagtipon-tipon ang mga first-year student, transferee, kanilang mga magulang at guardian sa unang araw ng orientation program para sa paparating na taong-panuruan 2025-2026, International Convention Center, Agosto 12.

Magpapatuloy naman ang programa hanggang Biyernes, Agosto 15, para sa iba pang estudyante. [G]

ni Luke Xavier Londres

NEWS BIT | CSG tinapyasan ng 800k sa 2025 budgetBinawasan ng administrasyon ng Cavite State University (CvSU) ang kasalu...
11/08/2025

NEWS BIT | CSG tinapyasan ng 800k sa 2025 budget

Binawasan ng administrasyon ng Cavite State University (CvSU) ang kasalukuyang pondo ng Central Student Government (CSG) ng ₱826,465 mula sa orihinal na ₱7,432,617.22, ayon sa Resolution No. 1, s. 2025, Agosto 12.

Alinsunod umano ito sa Office of the Vice President for Administrative Support and Services (OVPASS) Advisory No. 3, s. 2025 na nag-uutos sa lahat ng opisina, kolehiyo at mga satellite kampus ng pamantasan na baguhin ang kanilang Program of Receipts at Project Procurement Management Plan para sa taong 2025.

Sa panayam ng The Gazette kay Finance Senator Gerald Ambata, wala umanong malinaw na paliwanag sa naturang pagbawas ng pondo ang opisina ng CvSU maliban sa advisory ng OVPASS.

Inamin ni Ambata na makaka-apekto ang budget cut sa pagseserbisyo ng CSG sa parating na unang semestre dahil halos ₱600,000 na lamang ang natitira sa nasabing badyet.

Pinuna din ng senador ang patuloy na pagtaas ng pondo ng CvSU mula sa ₱1.7 bilyon noong 2024 at ₱2.1 bilyon sa kasalukuyang taon, subalit pababa nang pababa naman umano ang sa CSG taon-taon.

“We are currently reassessing the prioritization of our programs to ensure that the most essential services to students remain funded. Our goal is to safeguard core student services while continuing to push back against reductions that undermine the mandate of the CSG,” ani Ambata. [G]

Katangi-tangi ang tikas sa pagsasalita.Banayad na hinulma nang may sariling pagkakakilanlan. Binubuhay ang kultura at pu...
01/08/2025

Katangi-tangi ang tikas sa pagsasalita.
Banayad na hinulma nang may sariling pagkakakilanlan.
Binubuhay ang kultura at pusong nagkakaisa.
Dala sa bawat sambit ang dangal ng bayang pinagmulan.



Ipagdiwang natin ngayong buwan ng Agosto ang wikang mayaman sa kultura, kasaysayan, at pusong makabansa. Iba-iba man ang porma at tono sa dami ng ating dayalekto, iisa lang ang lenggwaheng sinisigaw nito— ang wika nating mga Pilipino!

Nawa'y hasain pa natin ang salitang naghahabi sa ating lahi saan mang panig ng mundo. [G]

LOOK: Central Student Government released the official committee chairmanship of senators for Academic Year 2025-2026, J...
28/07/2025

LOOK: Central Student Government released the official committee chairmanship of senators for Academic Year 2025-2026, Jul. 27.

Academic Affairs: Cielo Marie Clamor
Audit: Gabriel King Reyes
Finance: Gerald Ambata
Internal Affairs: Paul Randall Maranan
Logistics and Properties: Lhord Cedric Raymundo
Publicity and Information: Will Allen Arsenio
Records and Documentation: Gracelyn Denise Aguila
Rules and Constitutional Reform: Sem Pablo Mateo
Social and Environmental Awareness: Ashriel Johan Costa
Sports, Arts and Culture: Rhea Janelle Baod
Student Organization and External Affairs: Esmael Imperio
Students' Rights and Welfare: Randall Bailey Lontoc. [G]

via Luke Xavier Londres

Source: Central Student Government - CvSU Main Campus

READ: Malacañang suspends government office work and classes for all levels in Metro Manila, Cavite, Rizal, Laguna, Bata...
21/07/2025

READ: Malacañang suspends government office work and classes for all levels in Metro Manila, Cavite, Rizal, Laguna, Batangas, Bulacan, Pampanga, Zambales and Bataan, effective 1:00 p.m. today, due to heavy rainfall. [G]

Government office work and classes at all levels are suspended on July 21, 2025, from 1:00 PM onwards in Metro Manila, Cavite, Rizal, Batangas, Laguna, Bulacan, Pampanga, Zambales, and Bataan due to continuous rainfall brought about by the Southwest Monsoon.

The suspension of work in private companies and offices is left to the discretion of their respective employers.

Visit the Official Gazette website: https://www.officialgazette.gov.ph/Os5T7J

LOOK: Cavite State University - Main Campus achieved a 65.00 percent performance rate in the Master Plumbers Licensure E...
18/07/2025

LOOK: Cavite State University - Main Campus achieved a 65.00 percent performance rate in the Master Plumbers Licensure Examination, with 13 out of 20 successful passers, Jul. 12-13.

According to the Professional Regulation Commission, 2,971 examinees passed the exam, recording a 57.75 percent national passing rate. [G]

via Ruby Rose Bagaporo

Source: Professional Regulation Commission

WALANG PASOK | Governor Abeng Remulla suspended classes on all levels in Cavite tomorrow due to the ongoing heavy rainfa...
17/07/2025

WALANG PASOK | Governor Abeng Remulla suspended classes on all levels in Cavite tomorrow due to the ongoing heavy rainfall caused by Typhoon Crising, Jul. 17.

Stay safe and be alert, CvSUeños. [G]

‎Source: Abeng Remulla

Eyes here, CvSUeños!Please be advised of the significant dates for the Academic Year 2025-2026, as approved by the Board...
14/07/2025

Eyes here, CvSUeños!

Please be advised of the significant dates for the Academic Year 2025-2026, as approved by the Board of Regents.

While you enjoy your break or focus on midyear classes, stay prepared and ready for the upcoming school year. [G]

Source: Office of the University Registrar

Address

Room 205, Student Union Building, Cavite State University/Main
Indang
4122

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Gazette-CvSU Main Campus posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to The Gazette-CvSU Main Campus:

Share

Category