24/09/2025                                                                            
                                    
                                                                            
                                            09.24.2025
ULAT AT GABAY SA PANAHON
BAGYONH  
Mga kabarangay, base sa inilabas na weather forecast ng PAGASA at sa ginanap na Pre- Disaster Risk Assessment ng Indang Municipal Disaster Risk Reduction and Managmeng Office, ang bagyong   ay inaasahang babaybayin ang lalawigan ng Cavite, dahil dito  makakaranas ng malakas at tuloy-tuloy na pag ulan tinatayang mula Biyernes Setyembre 26 hanggang Sabado Setyembre 27. Pinapayuhan ang lahat na gawin ang mga sumusunod:
BAGO PA DUMATING ANG BAGYO / BABALA:
Alamin ang mga balita.
I-monitor ang PAGASA, LGU updates, radyo, TV, at social media ng mga ahensya.
Alamin kung kasama ang inyong lugar sa mga flood-prone o landslide-prone areas.
Ihanda ang emergency go bag.
Ilagay ang mga sumusunod sa isang backpack o bag na madaling buhatin:
Tubig at pagkain (ready-to-eat)
Flashlight at extra batteries
Power bank
First aid kit
Mga gamot (maintenance, basic meds)
Whistle
Face mask, alcohol, hygiene items
Importanteng dokumento (nakaplastik o waterproof)
Cash
Suriin ang bahay at kapaligiran.
Linisin ang mga kanal at alulod.
Patibayin ang bubong, bintana, at pinto.
Ilipat sa mas mataas na lugar ang mga gamit na pwedeng mabasa.
Makipag-ugnayan sa barangay o LGU.
Alamin kung saan ang evacuation center.
Makipag-ugnayan kung may matatanda, may kapansanan, o buntis sa pamilya.
BARANGAY HOTLINE: 09993245745