
29/08/2025
Bancod–Palauit Irrigation System
Kinilala Bilang Pinakamahabang Patubig sa Ilalim ng Lupa sa Pilipinas.
Ang Bancod–Palauit Irrigation System (BPIS) ay isang mahalagang imprastraktura ng patubig sa Cavite na itinayo pa noong panahon ng Kastila taong 1881 upang maging Patubig sa Mga Haciendang Hawak noon ng mga Prayleng Pari Sa Cavite. Kinilala ito bilang pinakamahabang underground irrigation system sa Pilipinas. Nagsisimula ito sa Bancod Dam o Prinza Bancod sa Indang, Cavite, kung saan kinokolekta ang tubig mula sa mga bukal at sapa, at dumadaloy sa mahabang lagusan sa ilalim ng lupa para magpatuloy ang patubig kahit tag-init.
Umaabot ito hanggang Palauit sa Trece Martires, at mula roon dumadaloy ang tubig sa maliliit na kanal patungo sa mga bukirin ng General Trias at mga karatig-bayan gaya ng Rosario. Dahil dito, natustusan ang patubig ng malalawak na palayan at nakatulong sa pag-unlad ng agrikultura sa Cavite.
Patunay ang BPIS sa talino at sipag ng mga naunang henerasyon sa paggamit ng likas na yaman. Hanggang ngayon, nananatili itong simbolo ng kasaysayan, kultura, at kakayahan ng mga Caviteño.
Credits (Video & Photo):
Lakwatsero Caviteño
Nedilyn Fidel
Cavite Studies Center DLSU FB Page
Panawagan po sa ating butihin Ama ng Bayan, Mayor Vergel “Action Man” Fidel, sa ilalim ng Bagong Indang, sana po ay mabigyan ng pansin at budget ang Bancod Dam at magawan ng mga istrukturang pang seguridad upang ito ay magkaroon ng rehabilitasyon, mapangalagaan at mabuksan ito para sa mga turistang nais bumisita bilang isa sa bahagi ng Makasaysayang Bayan ng Indang.