
11/04/2025
Naalala nyo ba sa Ep. 15 ng When Life Gives Tangerine — yung kinukwestyon si Yang Gwan-sik ng mga auntie sa desisyon niyang kunin yung restaurant sa malayong lugar?
Parang lahat duda.
Pero alam mo kung sino yung hindi?
Yung asawa niya — si Oh Ae-sun.
She didn’t have all the answers.
She didn’t even know kung may babalik ba sa desisyong ‘yun.
Pero sumang-ayon siya.
Sumuporta siya.
At minsan, ‘di ba, yun lang talaga ang kailangan natin — ‘yung maramdaman mong may naniniwala sayo, kahit di mo pa nakikita ang resulta.
Nakakarelate ako as asawa — kasi may mga panahon na hindi natin maintindihan ang plano ng partner natin.
May risk, may takot, may duda.
Pero kung pipiliin pa rin nating magtiwala at sumuporta —
yun ang lakas na pwedeng bumuo sa kanila.
And look at what happened:
Yung simpleng pagsang-ayon ni Oh Ae-sun —
naging lakas ni Gwan-sik para makaisip ng ibang paraan, para magpatuloy, para lumaban.
Ang ganda lang isipin — na minsan, ang tagumpay ng asawa natin, nagsisimula sa tiwala natin sa kanila.
Harapin ng magkasama. Hindi man natin alam ang kakahantungan. Pero kung magtutulungan, imbes na magsisihan, magbubunga ng kasaganahan. In additional, lahat din ng kabutihan na tinanim noon, ay aanihin din sa takdang panahon.
Kaya sa mga may asawa o partners,
Let this episode be a reminder:
Support isn’t just about agreeing — it’s about believing even when you’re unsure.
-Unspoken Thoughts 💭
When life gives you tangerine | Netflix