15/07/2025
Binulasan, Infanta, Quezon โ Matagumpay na naganap ang General PTA Meeting ng Binulasan Integrated School ngayong araw, Hulyo 15, 2025, ika-1 ng hapon. Pinangunahan ni Maโam Rosalie Salgo, Principal III, ang pagbubukas ng pulong. Binigyang-diin ni Maโam Salgo ang kanyang malaking pasasalamat sa mga magulang na kusang-loob na nagbigay ng suporta sa paaralan at idinagdag na bukas ang kanyang pinto para sa mga magulang na mayroong anumang hindi pagkakaunawaan sa mga g**o ng kanilang anak. Pagkatapos ng kanyang pananalita, ipinakilala ni Maโam Salgo ang dalawang bagong g**o ng BIS, sina Maโam Marife Gurango na hiram na g**o mula sa Tongohin National High School, at Maโam Ada Ballad, na bagong g**o sa ALS ng Senior High School. Iniulat ni Sir Jay Romantico ang kabuuang koleksyon ng PTA para sa taong panuruan 2024-2025. Iniharap naman ni Sir Allan M. Peรฑamora ang mga ulat at resibo para sa proyektong apat na pansamantalang silid-aralan at ang proyekto ng Mr. and Ms. BIS 2025, na detalyadong tinalakay ang progreso, mga hamon, gastos at kita para sa pagtatayo ng bagong clinic at guidance office. Nagbigay naman ng malinaw na paliwanag si Sir Jimmy tungkol sa paggamit ng MOOE (Maintenance and Other Operating Expenses) ng paaralan. Nagpasalamat naman si Maโam Rhea Rose Guno, dating Pangulo ng GPTA, sa mga magulang para sa kanilang patuloy na suporta at pakikiisa sa mga programa ng paaralan at gayundin sa mga proyekto ng nagdaang GPTA.
Ang pangunahing layunin ng pulong ay ang eleksyon para sa mga bagong opisyal ng GPTA para sa taong 2025-2026. Ang mga nahalal ay ang mga sumusunod:
โข Pangulo: Gng. Myra S. Taruc
โข Bise-Pangulo: Gng. Jessa S. Sta. Rita
โข Kalihim: Sir Allan M. Peรฑamora
โข Assistant Secretary: Gng. Joan R. Esnardo
โข Ingat-yaman: Gng. Cherry Ann R. Del Valle
โข Assistant Treasurer (Elementary): Maโam Sharmane A. Recide
โข Assistant Treasurer (Junior High School): Sir Jay Romantico
โข Assistant Treasurer (Senior High School): Maโam Raquel S. De Borja
โข Auditor: Gng. Jaya S. Belarma
โข Public Information Officer (Binulasan): G. Arjel M. Evasco
โข Public Information Officer (Dinahican): G. Jorly T. Giga
โข Board of Directors (G**o):
Sir Julio V. Mandani (Elementary)
Maโam Nona V. Leynes (Junior High School)
Sir Jhon Paolo B. Cuerdo (Senior High School)
โข Board of Directors (Magulang):
Gng. Jemmalou B. Nolledo
Gng. Delia Marie M. Avellano
G. Ruel B. Susa
Gng. Dianne N. Almoguerra
Gng. Nessie B. Valencia
Gng. Irene B. Villardo
Ang pulong ay nagtapos na may positibong kapaligiran at pag-asa para sa isang mas produktibong pakikipagtulungan sa pagitan ng paaralan at ng mga magulang sa darating na taon.
๐๏ธ Sir Jay Romantico, Maโam Alyssa Mariez San Juan, Sir Bryan Dela Torre
๐ท Maโam Alyssa Mariez San Juan, Sir Bryan Dela Torre