11/07/2025
๐๐๐๐๐ง๐ | ๐ ๐ด๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ด๐๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐๐ก๐๐ฆ ๐ป๐ฎ๐ธ๐ถ๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ต๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐น ๐ป๐ด ๐๐ผ๐บ๐ฒ๐ฟ๐ผ๐ผ๐บ ๐ฃ๐ง๐ ๐ผ๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ๐ฟ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ง๐ฃ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ-๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
๐ฏ๐ช ๐๐ข๐ช๐ต๐ฉ ๐๐ด๐ต๐ฐ๐ท๐ฆ๐ป๐ข
Idinaos ngayong ika-11 ng Hulyo, 2025, sa Infanta National High School (INHS) ang pagpupulong at eleksyon ng Homeroom Parent-Teacher Association (HPTA) officers para sa Taong Panuruan 2025โ2026, alinsunod sa School Memorandum No. 40, s. 2025. Layunin ng aktibidad na pagtibayin ang pakikipagtulungan ng mga magulang sa pamamahala ng paaralan tungo sa higit na epektibong edukasyon at disiplina sa hanay ng mga mag-aaral. Ito ay isinagawa ganap na ika-8 ng umaga para sa AM shift, samantala ika-2 naman ng hapon ang sa PM-shift.
Bukod sa halalan tinalakay at ibinahagi ng mga g**ong tagapayo sa lahat ng baitang ang ibaโt ibang usapin tulad na lamang ng ibaโt ibang polisiyang pampaaralan na dapat sundin ng bawat mag-aaral. Ilan sa mga ito ay ang tamang pagsusuot ng uniporme, pagiging magalang sa lahat ng kawani ng paaralan at sa kapuwa nila mag-aaral.
Samantala binigyan diin sa nasabing pagpupulong ang patungkol sa paksang Inclusive and Nurturing Homes and Schools: Upholding Every Learnerโs Rights, Dignity, and Safety. Sa usaping ito komprehensibong ipinaliwanag ng bawat g**ong tagapayo kung ano ang maitutulong ng bawat magulang katuwang ang paaralan sa paghubog sa bawat kabataang pablik na may pagpapahalaga sa kanilang karapatan, dignidad, at kaligtasan.
Ipinakilala rin sa mga magulang ang mga g**o ng kanilang mga anak at ang mga tagapamahala ng paaralan kalakip ang pagpapaliwanag sa kanila kung ano ang iskedyul ng pasok ng kanilang mga bata at ilang mga tagubilin sa mga magulang. โ Ang mga ganitong pagpupulong ay napakahalaga sa aming mga magulang upang malaman kung ano โyong mga rules dito sa loob ng paaralan, laloโt first time kong magkaroon ng high school, para malaman ko kung ano โyong mga nakapaloob dito sa INHS,โ ani Gng. Jessicor Marquez, ina ng isang estudyante mula sa ika-7 baitang.
Sa matagumpay na aktibidad na ito, umaasa ang INHS na mas lalo pang mapagtitibay ang ugnayan ng paaralan at mga magulang tungo sa maayos, ligtas, at dekalidad na edukasyon para sa lahat ng mag-aaral.
๐ธ ๐๐ถ๐ฉ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ข๐ณ๐ข๐ธ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช๐ฏ๐ข, ๐๐ฉ๐ช๐ฌ๐ฆ๐ป๐ฉ๐ฆ๐ญ ๐๐ฆ๐ญ๐ข ๐๐ฆ๐ฏฬ๐ข, ๐๐ญ๐ข๐ช๐ป๐ข ๐๐ฐ๐ถ๐ช๐ด๐ฆ ๐. ๐๐ข๐ฏ๐จ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ฆ, ๐๐ณ๐ช๐ฏ๐ค๐ฆ ๐๐ฆ๐ณ๐ญ๐ข๐ฏ ๐. ๐๐ฆ๐ณ๐ต๐ฐ, ๐๐ข๐ต๐ฆ ๐๐ถ๐ฏ๐ช๐ค๐ฆ ๐๐ฐ๐ณ๐ฐ๐ฏ๐ข๐ค๐ช๐ฐ๐ฏ ๐ข๐ต ๐๐ณ๐ช๐ฏ๐ค๐ฆ๐ด๐ด ๐๐ฉ๐ฐ๐ฏ๐ข ๐. ๐๐ข๐ณ๐ญ๐ฆ๐จ๐ฐ