26/07/2025
This!! 💙🙌
MADALAS NA ISISI SA NAGBABAGONG PANAHON (GLOBAL WARMING) AT SA MGA NAKAPWESTO SA PAMAHALAAN ang madalas na Problema sa Baha. Naniniwala rin ako sa mga kadahilanang ito.
Ngunit sa palagay ko higit dito ay ang Kaisipan natin ang pangunahing problema. Kawalan o kakulangan ng malasakit at pakialam sa bayan, kalikasan at kapwa.
Naalala ko noon ang isang sermon ng pari na
Meron tayong dalawang uri ng kasalanan
1. Kasalanan na ginawa (Sin of Commission)
Ito ay ang paggawa ng Masama at Paglabag sa Batas
2. Kasalanan dahil walang ginawa (Sin of Omission)
Hindi paggawa ng tama at mabuti na dapat gawin
Ganito rin sa ang pagkakasala sa Bayan, Kalikasan at Kapwa lalong higit sa Dakilang Lumikha.
Tulad sa Kalinisan ng ating kapaligiran, kalsada, dagat, ilog at waterways, Kung tayo ang syang nagtapon ng basura at sumisira sa kalikasan, kasalan itong ginawa (sin of commission) at malaki ang pananagutan sa Batas. Ngunit kung hindi man tayo ang nagdulot ng dumi, kalat at basura, ngunit wala tayong pakialam, wala tayong ginawa o nakasaksi tayo ng nagdudulot ng pagkasira ng kalikasan pero hindi nakialam, nagsumbong at ipinagbigay alam sa kinauukulan kasalanan pa rin itong kasimbigat ng kasalanan ginawa.
Ang kasamaan ay nagwawagi dahil sa maraming mabuting tao ngunit walang pakialam at walang ginagawa para labanan at itama ang iilan na masama ang ginagawa
Kaya Tuwing Sabado, sa Bisa ng Executive Order #3
Ay Bayanihan sa Bayan ng Infanta. Ngayon ang ika-apat na Sabado na ito ay ating ginagawa, sa Kuwago creek naman pero halos 100meters pa lamang ang aming natapos sa mahigit 1 kilometro. Sa dami ng basura at bara dito. Eto ang pinanggagalingan ng tubig papuntang Bantilan River. At itutuloy namin ang bayanihan hanggang matapos ito ngunit paunang solusyon lamang ito. Kailangan ng masusing pagpaplano at maayos na imprastraktura para sa pang matagalang solusyon.
Natutuwa ako na parami ng parami ang nakikisangkot, daan-daan ang nakikipagbayanihan. pero bagama’t may galak, nalulungkot pa rin ako sa mga nakasanayan at tulad nitong nasa larawan, kawalan ng disiplina, malasakit at pakialam. Kaya’t kasabay ang pagsusulong namin sa mas mataas at mabigat na parusa. Hindi kami magsasawang magpaalala, pero hindi rin kami hihinto na ipatupad ng mahigpit ang batas ng walang kinikilingan.
Mahal kong mga kababayan, DISIPLINA AT PAG LINGAP AGAD, ang susi sa Malinis at Maayos na BAYAN at BANSA
Likas sa Pilipino ang pagiging Malinis at Masipag Noon pa Man panahon ng ating mga Ninuno. Balikan natin kung Sino nga ba Tayong mga Pilipino.