25/07/2025
๐๐๐ก๐๐๐๐: ๐๐ ๐๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐ข๐ฒ๐๐ซ๐ง๐๐ฌ, ๐๐ฎ๐ฅ๐ฒ๐จ 25, 2025, ๐ข๐๐ข๐ง๐๐จ๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ฏ๐ข๐ฅ ๐๐จ๐๐ข๐๐ญ๐ฒ ๐๐ซ๐ ๐๐ง๐ข๐ณ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง (๐๐๐) ๐๐จ๐ง๐๐๐ซ๐๐ง๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐ ๐๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐ฅ๐ฅ, ๐๐ข๐ง๐๐ฅ๐ฎ๐ก๐๐ง ๐ข๐ญ๐จ ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฆ๐ข๐ฒ๐๐ฆ๐๐ซ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ค๐๐ฌ๐๐ฆ๐ ๐ฌ๐ข ๐๐๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐ซ๐๐๐ ๐๐๐ฆ๐จ๐ซ, ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ฆ๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ง๐จ ๐ง๐ข ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ซ๐ง๐๐ซ ๐๐๐ซ๐๐จ๐ฌ ๐. ๐
๐ซ๐ข๐ฅ๐ฅ๐๐ฌ.
Tinalakay ni GSO Head-Designate Christi Mae G. Fuentes ang kahalagahan ng Participatory Governance, na sinundan ng presentasyon ni Cooperative Development Officer Ronaldo E. Legazpi ukol sa mga patakaran sa LGU accreditation ng CSOs at ang muling pagbubuo ng Local Special Bodies (LSBs), kabilang ang pagsagot sa mga kinakailangang forms at dokumento.
Ipinresenta rin ni MLGOO Frilles ang ibaโt ibang paraan ng partisipasyon ng CSOs batay sa RA 7160 at iba pang kaugnay na batas. Hinikayat naman ni Hon. Norberto T. Ortile, Chairperson ng Committee on Agriculture, Livelihood, Cooperative and Accreditation, ang pagbuo ng lokal na CSO Network upang mas mapalakas ang boses ng mamamayan sa pamahalaan.
Isinagawa rin ang isang open forum kung saan malayang naipahayag ang mga tanong, saloobin, at suhestiyon ng mga kalahok. Isang patunay ito ng patuloy na pagtutulungan ng pamahalaan at mamamayan tungo sa mas makabuluhang pag-unlad.