17/12/2024
"CLUELESS ANG PRESIDENTE"
Binatikos ni dating Department of Finance undersecretary Cielo Magno si Pres. Jr. matapos ipagtanggol ang zero subsidy ng Philippine Health Insurance Corp. sa susunod na taon.
Sinabi ni Marcos na tatakbo pa rin nang maayos ang PhilHealth dahil may sobra itong pondo na P500-P600 bilyon. Pero idiniin ni Magno na sablay itong rason dahil ayon sa Universal Health Care Act, hindi dapat ginagalaw ang reserve fund ng PhilHealth.
"Ang hirap kapag clueless ang presidente," ani Magno sa kanyang video sa TikTok ngayong Lunes, December 16.
"Nakakatawa kasi sabi niya P150 billion lang ang kailangang budget ng PhilHealth. E 'yung Konsulta Package pa lang na naglalaan ng P1,700 per individual, kung lahat ng Pilipino ay naka-enroll sa PhilHealth—i-multiply na lang natin (kunwari) sa 100 million—'yan ay P170 billion na," dagdag niya.
Tinalaga ni Marcos si Cielo sa DOF ngunit pinilit na magbitiw umano noong 2023 dahil sa pagtutol sa ilang polisiya ng administrasyon.