26/02/2025
๐๐ฆ๐ฃ๐ข๐ฅ๐ง๐ฆ ๐๐๐๐๐ง๐ | NDI Warriors nagreyna kontra NDD Blazing Tigresses; dinungisan ang undefeated record
Nagpamalas ng mga kalkuladong ispayk at pamatay na service ang Notre Dame of Isulan (NDI) Warriors laban sa Notre Dame of Dukay (NDD) Blazing Tigresses sa dikdikang 23-25, 25-23, at 25-19 sagupaan, sapat na upang mantsahan ang malinis ng record ng Tigresses sa ginanap na RSPC Quarterfinals Friendly Match sa Narra Park, ika-26 ng Pebrero.
Kasabay ng matinding sikat ng haring araw ay siyang determinasyon ng dalawang koponan na manaig laban sa katunggali, ibinandera ng Warriors ang kulay berde habang dilaw naman ang sa Blazing Tigresses.
๐ฃ๐ฎ๐๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐
Mainit ang naging palitan ng puntos sa unang set ng laban sa pangunguna ni Shairish Usop para sa NDI na nagpakawala ng mga atakeng hirap depensahan ng kalaban ngunit hindi rin nagpahuli ang NDD agad na gumawa ng perpektong counterattack na siyang mano-manong isinulat ng mga batang mamamahayag..
Kayod-marinong hinabol ng Tigresses ang kalamangan ng Warriors sa dulong bahagi ng set habang ang kaninang lamang na Warriors, ngayon ay nakabuntot na hanggang sa matapos ang set.
๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐๐ถ ๐ป๐ด ๐๐ผ๐ป๐๐ฟ๐ผ๐น
Pagsabak ng ikalawang set ay patuloy lang ang pagpapaulan ng Warriors ng matatalas na service na nagresulta ng maraming service aces.
Hindi naman nagpaiwan ang Tigresses at umatake nang makakuha ng magandang firstball na pinangunahan ni Christine Gabo na naging sakit sa ulo para sa Warriors.
Sa huling bahagi ng set ay napakaliit lang ng agwat subalit sa tulong ng magaling na playmaking ni Jahleel Baun na nagpahirap sa kalaban ay nagawang masikwat ng Warriors ang ikalawang set, 25-23.
๐๐๐น๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐
Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang Warriors at agad na nagpakitang-gilas nang nagbigay ng service ace si Baun at ang pipe attack ni Usop na sinabayan ng ilang miscommunication errors upang makuha ang maagang kalamangan sa set.
Tila nagbago ang ihip ng hangin ng sa panig ng Warriors ay si Rocelle Lyka Dequina na ang nag serve dahil unti-unting bumitaw sa kalabit ng Tigresses ang Warriors nang gumawa ito ng 7-0 run, 14-8.
Ginising ng down the line attack ni Gabo ang Tigresses at gumawa ng mini-run ngunit agad itong naapula ng crosscourt spike ni Dequina upang ibigay ang match point sa Warriors hanggang sa isang service error ang nagtapos sa laban, 25-19.