20/11/2025
GRADE 6 HOMEROOM PTA MEETING, MATAGUMPAY NA NAISAGAWA
Isinagawa ang Homeroom PTA Meeting ng Grade 6 noong Nobyembre 20, 2025, mula 3:30 PM hanggang 4:20 PM. Tinalakay sa pulong ang mga nakatakdang aktibidad ng Boy Scouts at Girl Scouts tulad ng backyard camping, trainings, tree planting, clean-up drive, at iba pa.
Binigyang-diin ng g**o ang mga dahilan ng pagbaba ng marka ng ilang mag-aaral, kabilang ang pagliban sa klase, hindi pagsusumite ng output, at hindi pagsasagot ng quizzes. Hinikayat ang mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak sa pagbabasa bilang paghahanda sa nalalapit na MOSY assessment.
Napag-usapan din ang Christmas Party, kung saan magkakaroon ng exchange gifts at paghahanda ng pagkain kada sitio. Inatasan ang Sitio Tocmo para sa spaghetti, Sitio Sabkil para sa fried chicken, at wala pang pinal na desisyon mula sa Sitio Tolibeng.
Kinilala rin sa pulong ang mga academic achievers at mga mag-aaral na may perfect attendance. Sa pagtatapos, ipinamahagi ang mga report card sa mga magulang.
Muling pinaalalahanan ng g**o ang kahalagahan ng pagdalo sa PTA meeting bilang tungkulin ng bawat magulang. Nagpasalamat ang paaralan sa lahat ng dumalo at umaasang makadalo ang iba sa susunod na pagpupulong.