14/06/2024
Habang nag aantay kami ng order namin sa Jollibee, biglang lumapit saken si Tatay sabay sabing “Bilhan mo naman pagkain tong anak ko.” sabay turo sa anak nya na nakakatitig lang sa salamin.
Tiningan ko lang si Tatay at di ako sumagot sa kanya hanggang sa lumipat sila ng upuan ng anak nya. Dumating na yung order namin, at bumalik ako sa cashier para orderan naman sila. Nung feel ko, aalis na na sila, nilapitan ko sila at sinabi ko, “wait lang Tay, inorderan ko pa kayo”. After a few minutes, inabot ko na kay Tatay at sa anak nya yung inorder ko sabay sabing “Tay, kain na po kayo.” Pagka-abot ko, inalok nya saken yung martilyo na hawak nya na bilhin ko na raw para mag pang gastos sila bukas, sa isip isip ko ,may martilyo naman kami haha, pero dahil mas inisip ko yung sinabi nya na para naman sa bukas nila, tinanong ko kung magkano rin yun, at binili ko narin. Pagkatapos kong tanungin si Tatay kung tagasaan sya at sinabihan ko yung batang babae na kumain na sya, umalis narin kami ng pamangkin ko.
Until now, I still vividly remember yung ngiti nung bata pagkaabot ko ng Jollibee.
Right now, I’m struggling financially. Yung tipong nasstress ako magbudget para samin. Pero there are times talaga na kung sino pa yung nasa sitwasyon na nangangailangan din, ikaw pa yung lalapitan ng pangyayari na mapapaisip ka kung tutulong ka ba kahit ikaw rin nasa di ka pa maayos na sitwasyon. And that’s I think the challenge there- Are you still willing to share and help? 🤔
I shared and helped dahil alam ko yung sitwasyon na di mo alam kung paano at saan ka kukuha para makapag-provide ka sa mahal mo sa buhay.
Im not expecting for any return, basta masaya ako na sa kabila ng sarili kong problema, kahit papaano kaya kong mag-share sa iba.
Di naman kalakihan yung nawala saken pero malaking bagay yun para sa taong natulungan.
Sabi nga sa kanta “What goes around, comes back around.” Subukan paring tumulong kasi minsan ka ring nangailangan at may taong tumulong sayo. 🙂
PS. Nagtaka yung Yayam ko paguwi ko bakit daw may martilyo akung dala galing sa trabaho 😂
Have a blessed day🙂